Ni Elida Bianca Marcial 
Correspondent

Ngayong umaga ng Lunes, October 9, 2017, ipinamalas ng A Giants Dancing Teachers ang kanilang winning dance number na nagtanghal sa kanila bilang kampeon sa ginanap na World Teacher’s Dance Competition noong October 2, 2017 sa Ynares Center, Antipolo City.

Ang A Giants Dancing Teachers ay binubuo ng mga high school teacher mula sa iba’t ibang paaralan sa bayan ng Angono na nagwaging 1st place sa nasabing kompetisyon at nag-uwi ng P15,000 bilang cash prize.

Nanalo naman ng 2nd place ang Rodriguez, Rizal at 3rd place naman ang Cainta Rizal.

Ang patimpalak ay inorganiza ng Department of Education-Division of Rizal bilang pagdiriwang at pagpupugay sa mga guro na nagsisilbing pangalawang magulang sa paaralan, gumagabay sa mga batang nais matuto at humubog sa isip at talent ng mga kabataan at mag-aaral.