Nagkamit ang bayan ng Angono ng Silver Award na may cash prize na P50,000 sa ginanap na Manila Bay Day: Environmental Compliance Audit Awarding Ceremony noong December 4, 2017 sa Tagaytay City, Cavite.

Kaugnay ang parangal sa epektibong solid waste management ng pamahalaang bayan sa pamumuno ni Mayor Gerry Calderon.

Ang award ay Ibinigay ng Manila Bayanihan, LGRC Calabarzon at Department of Interior and Local Government. (Ulat ni Elida Bianca Marcial)