Happy Birthday Hon. Sara Z. Duterte!

Ang aming malugod na pagbati ng maligayang kaarawan sa ating mahal na Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Hon. Sara Z. Duterte!

Maraming salamat po sa inyong inspirasyon sa aming mga Taga Angono! Mabuhay po kayo! 🇵🇭

Higanteng pagbati mula sa Art Kapital ng Pilipinas at Tahanan ng Higantes Festival. Pamahalaang Bayan ng Angono at Tanggapan ng Turismo.

Mag-ama magkasama sa programa, Mayor Jeri Mae Calderon, Vice Mayor Gerry Calderon at Sangguniang Bayan.

Regional Lead School for the Arts in Angono Recital

05/30/2023- personal na tinunghayan ni Mayor Jeri Mae Calderon ngayong Martes ng umaga sa Angono Gymnasium ang isa sa mga pagtatanghal ng mga mag-aaral ng Regional Lead School for the Arts in Angono o RLSAA na bahagi ng kanilang taunang
Pagbubungsod o recital na nagtatampok ng kanilang mga sining at talento.

📷 Bernard Laca Jr.
PIO | Angono News

Weather Update

UPDATE from Laging Handa CALABARZON

WEATHER TODAY 🌦🌧
CALABARZON will experience cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms.
Moderate to strong winds blowing from the southwest will prevail with moderate to rough sea conditions.
🌦CAVITE
🌦LAGUNA
⛈BATANGAS
🌦RIZAL
⛈QUEZON

CARD MRI Donation

05/30/2023- tinanggap ni Mayor-Vice Gerry Calderon mula sa Area Manager ng CARD MRI na si Ms. Arcela Jugo ang ilang mga donasyon na Alkohol, Dishwashing Liquid, Hand Soap, Hand Sanitizer at House Cleaning Materials na magagamit ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatili nito ng kalusugan at kalinisan araw araw. Ang CARD MRI ay isang microfinance company na tumutulong sa ating mga kababayang nais magnegosyo o mamuhunan. Sila ay may tanggapan sa bungad ng E. Dela paz St., sa Barangay San Pedro.

📷 Bernard Laca Jr.
PIO | Angono News

Mga gawain ng MENRO

5/8/23 Mga gawain ng MENRO

1. Pulong ng mga sorters sa Municipal MRF/RCA
2. Unang paghahakot ng Cemex cement factory, pangalawang partner para sa paghahakpt ng good residuals upang maging bilang refuse-derive-fuel or RDF na dagdag sa diversion ng pamahalaan.
3. Pulong ng mga business establishments at barangay para sa nalalapit na 122nd anniversary ng Araw ng Lalawigan sa darating na June 11, 2023, pagtuturo sa patungkol sa RA 9003 o Solid
Waste Management Act of 2000, RA 6969, RA 8749 or Clean Air Act, RA 9275 Clean Water Act, mga Municipal Environmental Ordinance at Basura Raffle.

Ang mag-ama magkasama sa programa Mayor Vice Calderon at Maeyor Jeri Mae Calderon nakatutok sa mga programang pangkalikasan at pangkapaligiran.

ECPay kiosk sa ating Munisipyo

Para sa mas madaling pagbabayad sa pamamagitan ng ECPay, mayroon na tayong ECPay kiosk sa ating munisipyo!

Matatagpuan ang kiosk sa entrance ng ating munisipyo.

Ngayon ay mas madali na ang pagbabayad ng bills, pagbili ng load, at pagcash-in.

Maraming salamat ECPay, at Globe para sa partnership na ito!