Teksto ni Richard R. Gappi at mula sa Google/internet
Ang Murillo Velarde Map noong 1734 ang itinuturing na ‘Mother of all Philippine Maps’ at tinatanggap bilang pinaka-authoritative na reference sa heograpiya at mga lugar sa bansa.
Dalawang beses naging malayang pamahalaan o bayan ang Angono — noong 1766 at noong August 19, 1938 effective January 1, 1939.
Ang pagiging bayan/munisipyo sa dalawang pagkakataon ang kinakatawan ng dalawang bituin sa official seal o sagisag ng Pamahalaang Bayan ng Angono.