Angono, Ang Bayan ng Sining.

Angono, Ang Bayan ng Sining.

Angono, Ang Bayan ng Sining.

Sa taong ito, pinili namin na isang “Higante” ang itampok bilang simbolo ng Kapaskuhan sa Ating Mahal na Bayan. Ang ” Higanteng ” ito ay gawa sa recycled materials at ginayakan ng mga bulaklak na gawa sa mga plastic bottles at may ulo na yari sa “Paper Mache” nilagyan din ito ng mga LED strips at bulbs para mag ningning sa gabi.

Sa aking mga kababayan ang “Higante” ay ginagamit tuwing kapistahan nang ating patron na si San Clemente, isang pangunahing pagdiriwang tuwing Nobyembre 23, kada taon. Ito rin ay madalas gamitin sa mga natatanging selebrasyon at pagdiriwang sa ating lugar tulad ng “Higantes Festival” na dinaraos tuwing Nobyembre.

Sa isang batang musmos ito ay kasiyahan tuwing ito ay masisilayan tulad ng Christmas tree na sumisimbolo ng kapaskuhan. Ang kapaskuhan ay isang selebrasyon at pagdiriwang sa pagsilang nang ating panginoon. Kaya salubungin natin ang kapaskuhan nang isang “Higanteng” simbolo ng kasiyahan sa pag silang nang ating panginoong Hesus.

Isang Higante, isang Bayan ANGONO, RIZAL ang Bayan ng Sining.

Maligayang Kapaskuhan po sa inyong lahat.

Posted in ANGONO NEWS.