TINGNAN | Ginanap ang Angono Kapon Outreach Program ng Philippine Animal Welfare Society o PAWS sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Angono sa pangunguna ni Mayor Jeri Mae
Calderon at Mayor Vice Gerry Calderon katuwang si Dr. Joel Tuplano, Municipal Veterinarian kahapon, May 28, 2023. Naroon rin sa nasabing programa si Anna Cabrera, Executive Director ng PAWS.

Naitala ang 145 na aso’t pusang naikapon. Ito ay binubuo ng 28 na lalakeng aso, 10 babaeng aso, 54 na lalakeng pusa at 53 babaeng pusa.