Angono radio communications group, nagfeeding program sa 69 na Day Care students

Animnapu’t siyam na batang mag-aaral ng Day Care Center sa tatlong barangay ng Angono ang nakinabang sa feeding program na ginanap noong nakaraang linggo.

Ang programa ay pinangasiwaan ng Spectrum Ranger 1400 na bahagi ng programa ng grupo na adopt a school program.

Ang mga RICCs o Rural Improvement Club Centers ay nasa barangay San Vicente, San Roque at San Pedro.

Ang Spectrum ay isang radio communications group sa Angono na boluntaryong namamahala sa koordinasyon sa mga pambayang gawain at selebrasyon upang maayos ang trapiko at maayos ang seguridad.

Katuwang din sila ng mga barangay at lokal na pamahalaan sa mga emergency at disaster-response activities.

Posted in ANGONO NEWS.