DSWD Region IV-A Social Pension for the indigent senior citizens Aid

Maraming salamat po sa lahat ng tumulong upang maihatid ang ayuda ng DSWD Region IV-A Social Pension for the indigent senior citizens at ma validate ang mga senior Citizens na recipients ng UCT sa Angono Rizal. Sa logistics support ng LGU Angono sa pangunguna nila Mayora Jeri Mae Calderon at Mayor Vice Calderon, Sa Treasury Office, OSCA Office, AFOSCA at MSWDO.

Outstanding Subaybayan LGU in Calabarzon

May tinanggap tayong Gold Award ngayong umaga. OUTSTANDING SUBAYBAYAN LGU in CALABARZON. Dahil ang ating Pamahalaan ay Top Compliant at Top Implementer pagdating sa mga programa pambayan. Dahil sa pakikiisa ng mamamayan, binigyang pagkilala ang ating serbisyo publiko. Congratulations Angono!

Award

Bayan ng Angono recipient ng GOLD AWARD for Outstanding Subaybayan

Bayan ng Angono recipient ng GOLD AWARD for Outstanding Subaybayan LGU in CALABARZON para sa 1st-3rd class municipalities sa buong bansa na iginawad ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Ito ay personal na tinaggap ng punong bayan, Mayor Jeri Mae Calderon ngayong Miyerkules, Disyembre 7, 2022 sa Tagaytay City.

Award

22nd Kalasag award

22nd Gawad KALASAG

Recipient ang bayan ng Angono ng pagkilalang -Beyond Compliant sa ginanap na 22nd Gawad KALASAG (Kalamidad at Sakuna LAbanan SAriling Galing ang Kaligtasan) Seal and Special Awards of Excellence in Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) and Humanitarian Assistance. Personal itong tinanggap ng punong bayan, Mayor Jeri Mae Calderon ngayong araw, Disyembre 7, 2022.

22dn Kalasag Award

CAISA CA – BIDA nanumpa kay Mayor Jeri Mae Calderon

Bilang mga katuwang ng lokal na pamahalaan sa kampanya laban sa ilegal na droga, nanumpa kay Mayor Jeri Mae Calderon ang mga kabataang kinatawan ng CAISA CA – BIDA (Coalition Against Illegal Substance Abuse- Coalition of Angono, Buhay Ingatan Droga Ayawan) sa Barangay Mahabang Parang sa pangunguna ng kanilang pangulo na Kenn Ivan Leses.

Panunumpa kay Mayor Calderon

Angono, Ang Bayan ng Sining.

Angono, Ang Bayan ng Sining.

Angono, Ang Bayan ng Sining.

Sa taong ito, pinili namin na isang “Higante” ang itampok bilang simbolo ng Kapaskuhan sa Ating Mahal na Bayan. Ang ” Higanteng ” ito ay gawa sa recycled materials at ginayakan ng mga bulaklak na gawa sa mga plastic bottles at may ulo na yari sa “Paper Mache” nilagyan din ito ng mga LED strips at bulbs para mag ningning sa gabi.

Sa aking mga kababayan ang “Higante” ay ginagamit tuwing kapistahan nang ating patron na si San Clemente, isang pangunahing pagdiriwang tuwing Nobyembre 23, kada taon. Ito rin ay madalas gamitin sa mga natatanging selebrasyon at pagdiriwang sa ating lugar tulad ng “Higantes Festival” na dinaraos tuwing Nobyembre.

Sa isang batang musmos ito ay kasiyahan tuwing ito ay masisilayan tulad ng Christmas tree na sumisimbolo ng kapaskuhan. Ang kapaskuhan ay isang selebrasyon at pagdiriwang sa pagsilang nang ating panginoon. Kaya salubungin natin ang kapaskuhan nang isang “Higanteng” simbolo ng kasiyahan sa pag silang nang ating panginoong Hesus.

Isang Higante, isang Bayan ANGONO, RIZAL ang Bayan ng Sining.

Maligayang Kapaskuhan po sa inyong lahat.

celebration

75 Years of French-Philippines Diplomatic Relation Celebration

Tampok ang ilan sa mga ipinagmamalaking Higante ng Bayan ng Angono sa pagdiriwang ika-75 taon ng French-Phlippines Diplomatic Relation.

Ang nasabing pagdiriwang ay naganap sa Ayala Triangle Gardens. Nakasama rin ng ating mga Higante ang award-winning na Les Petits Chanteur à la Croix de Bois (the little singers of Paris) at ang Les Grandes Personnes (French Giants).

Lubos na nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan ng Angono, sa pangunguna ni Mayor Jeri Mae E. Calderon at Vice Mayor Gerry V. Calderon, sa mga nag organisa ng nasabing pagdiriwang at sa mga taong nasa likod ng pagiging tampok ng mga Higante ng Angono.

pic1

pic2

lakeside cleanup

Lakeshore Cleanup

Lakeshore Cleanup in patrnership with UAP District A3 Chapter in cooperation with Philippine Coast Guard together with Barangay San Vicente Captain, Domingo Perez.

cleanup

2022 National Bayanihan Service Awardee for Hall of Famers

Pormal na iginawad ni DOLE Rizal Provincial Director Marivic Martinez ang mga plake ng pagkilala na tinanggap ng bayan ng Angono Rizal, sa pamamagitan ng PESO nito, bilang 2022 National Bayanihan Service Awardee for Hall of Famers Category.

Ang pagkilalang ito ay dahil sa mga katangi-tangi at mga ma inobatibong pamamaraan ng bayan ng Angono upang maipagpatuloy ang paghahatid ng mga serbisyong pang trabaho at kabuhayan para sa mga mamamayan nito sa kabila ng mga pagbabagong dulot ng NEW NORMAL. Ilan dito ay ang Digitalized Employment Facilitation Services, Extended Assistance to Displaced OFWs at Recovering Persons Who Used Drugs.

“Ang karangalang ito ay kabahagi ng ating participatory and systemic governance kung saan ang lahat ng sektor, lahat ng players, mga pribadong kumpanya, iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng DOLE, OWWA at TESDA at mga CSO partners, ay hinihikayat nating makilahok upang mas lalo nating mapadali ang pagbibigay ng trabaho at hanap-buhay para sa ating mga kababayan…” ani Mayor Vice Calderon habang tinatanggap ang pagkilala.

Sa walong nominado sa kategoryang ito ng mga Best PESO Hall of Famers, isa ang Bayan ng Angono sa tatlong napiling nagwagi sa buong Pilipinas. Ang Angono din ang kaisa – isang munisipalidad sa hanay ng mga nominado para sa prangal na ito kasabay ang iba pang mga siyudad at probinsya.

Notice of Payment of Real Property Tax

NOTICE OF PAYMENT OF REAL PROPERTY TAX

Notice is hereby given to all real property owners that pursuant to the provisions of the Local Government Code ( R.A. 7160 ), the payment of the Basic Tax on real property, which is 1% of the assessed value and the additional 1% levied of the Special Education Fund.The same may however be paid in four ( 4 ) equal installments without interest or penalty, at the option of the taxpayers, as follows:

1st Installment – on or before March 31

2nd Installment – on or before June 30

3rd Installment – on or before September 30

4th Installment – on or before December 31

Taxes paid on or before the above stated schedule shall be entitled to a ten percent (10%) discount.

Failure to pay the basic real property and additional SEF tax on or before the dates indicated above shall subject the taxpayer to the payment of interest at the rate of two percent (2%) per month on the unpaid amount or fraction thereof, until the delinquent tax shall have been fully paid.

Likewise, the schedules of payments for Business Tax are follows:

1st Quarter – on or before January 20

2nd Quarter – on or before April 20

3rd Quarter – on or before July 20

4th Quarter – on or before October 20

Business Taxes not paid on time shall be subjected to a surcharge of twenty five percent (25%) of the amount of tax plus fifteen percent (15%) per annum on the amount unpaid from the date until the tax is duly paid.

EVA DOLORES A. RIVERA

Municipal Treasurer-ICO