waste award

Waste management ng munisipyo, wagi ng Silver Award

waste awardNagkamit ang bayan ng Angono ng Silver Award na may cash prize na P50,000 sa ginanap na Manila Bay Day: Environmental Compliance Audit Awarding Ceremony noong December 4, 2017 sa Tagaytay City, Cavite.

Kaugnay ang parangal sa epektibong solid waste management ng pamahalaang bayan sa pamumuno ni Mayor Gerry Calderon.

Ang award ay Ibinigay ng Manila Bayanihan, LGRC Calabarzon at Department of Interior and Local Government. (Ulat ni Elida Bianca Marcial)

domsa

DOMSA, iniispalto na; sa susunod na taon, total rehabilitation na

Mula kay Emmanuel Loyola ng Angono Office of the Mayor:

“Mapagpalang araw po sa ating lahat. Kahapon po, Dec. 2, ay naisagawa na ang unang bahagi ng Domsa Asphalting sa pangunguna ng ating Mahal na Punong Bayan Gerry Calderon, OIC. Kag Edgar Bacani Tamayo at ni Engr. Fort Fortunato Flojo upang maibsan ang mga lubak- lubak at paghahanda nar rn sa Domsa road.

Total Rehabilitation sa susunod na taon. Muli po, humihingi kami ng pang-unawa at pagsuporta sa inyong lahat. Maraming Salamat po.”

dugong award

Angono receives Dugong Bayani Award for its life-saving advocacy

dugong awardThe Municipality of Angono led by Mayor Gerry Calderon received two trophies from the Department of Health-Region IV-A and Philippine Blood Center yesterday, Friday, December 1, 2017.

Mayor Gerry was represented by KKK coordinator Lita Bartolome and Municipal Health Office administrative coordinator Arlene Ang Reyes in receiving the Gregorio del Pilar and special awards.

The recognition highlights the Municipality of Angono’s unwavering life-saving advocacy and blood donation which Angono, civil society groups and volunteers have done throughout the year.

‘We dedicate these awards to our real heroes — our BLOOD DONORS,” Ma’am Lita wrote in her post on Facebook.

(Text by Richard R. Gappi/Photos by Ma’am Lita and Ma’am Arlene)

3-year Youth Development Plan ng Angono, aprubado sa mga kabataan; tampok ang buwanang paglilinis, liga ng basketball para sa mga babae, at advocacy sa mga social and health issues

Ulat at mga litrato ni Elida Bianca Marcial

Sa pangunguna ni Konsehal Jeri Mae Calderon ay inilunsad ang Angono Youth Development Plan 2017-2020 sa ginanap na Angono Youth Congress for Student Leaders 2017 kaninang umaga ng Biyernes, December 1, 2017 sa SM Event Center.

Kasama ni Konsehal Jeri Mae sina BJ “Tolits” Forbes, Chairperson ng Angono Youth Commission at Eugene Bautista, Secretariat for Local Youth Development Office.

Tampok sa youth development plan ang buwan-buwan na mga programa sa mga eskwelahan na pangungunahan ng tanggapan ni Konsehal Jeri Mae at Komisyong Kabataan ng Angono sa pakikiisa ng mga youth leaders ng bawat paaralan sa Angono.

Kabilang dito ang paglilinis sa mga eskwelahan at paglulunsad ng Higantes Women’s Basketball League na hindi lang mga eskwelahan mula Angono ang makakasama kundi pati angmga eskwelahan din mula sa ibang bayan ng Rizal.

Ayon kay Coach Ojie Ylagan, Sports Coordinator ng Angono Sports Commission, “Naniniwala kami ang basketball ay hindi lang pang lalake. Kung ano ginagawa ng lalake ay kaya na rin ng mga babae, ito ay magsisilbing women empowerment,” wika niya.

Sa nasabing event ay binigyang diin din ni Marlo Camantigue, Deputy Chief Police ng Angono Municipal Police Station, na nagsilbi rin speaker, ang kampanya nila kontra droga sapagkat ang madalas na biktima nito ay ang mga kabataan.

Ipinaliwanag din ni Camantigue ang mga dahilan kung bakit nasasangkot ang mga kabataan sa droga.

“The youth gets addicted to these harmful effects due to curiosity, desire for pleasure, lack of self-confidence, peer pressure and most importantly lack of parental guidance sa child activities,” wika niya.

Kabilang din sa mga nagsalita sina John Aristeo Maniaol, Local Creative Economy Officer ng Municipality of Angono na nagbahagi tungkol sa Advocacy Driven Leadership at si Kimberly Villanueva ng Philippine Youth Leader na nagbahagi ng kaalaman niya sa Duties and Responsibilities of Supreme Student Government/Student Council.

Ibinigay naman ni BJ “Tolits” Forbes ang credit ng nasabing event sa mga youth leaders ng paaralan sa naging matagumpay na youth congress ngayong araw at patuloy na hinikayat na makiisa sila sa mga activities ng komisyon.

“Being a leader ay ikaw ‘yun nauuna sa gagawin, you are not a boss, you are leader, being a leader is being one of them. Good example ay si Mayor Gerry Calderon. You have to set your goals, you have to create your plan, you have to act” wika ni Forbes.

Nagtapos ang event sa pagbahagi ng best practices, innovations ng bawat Supreme Student Government Presidents sa mga paaralan sa Angono.

Provincial dialogue tungkol sa federalismo, ginanap sa Angono; nasabing sistema mas magpapaunlad daw sa mga local government unit

Ni Elida Bianca Marcial
Correspondent

Ang federalismo ay isang sistema ng gobyerno na mas pinalawak ang kapangyarihan at pondo ng mga rehiyon at lokal na pamahalaan.

Ito ang impormasyong ipinapakalat ng DILG IV-A CALABARZON sa provincial dialogue ng Transition to Federalism na ginanap sa Bloomingdale Court kahapon ng Martes, November 28, 2017.

Dumalo dito ang mga punong barangay, kagawad at presidente ng PTA sa bawat barangay ng buong lalawigan ng Rizal.

Ang nasabing provincial dialogue ay pinangunahan ni Asec. Epimaco Densing III, Plans and Programs ng DILG, Provincial Director Noel Bartobalac, Governor ‘Nini’ Ynares, Mayor Gerry Calderon at Billy Ynez ng CSO, University of Rizal System.

Sa pag-iikot ng DILG, ipinapaliwanag nila kung anong anyo ng gobyerno ang Federalism na kung saan ang pambansang pamahalaan ay mananatili subalit ang ilan sa mga kapangyarihan nito ay ibabahagi na sa mga rehiyon sang-ayon sa iisang konstitusyon.

Dahil sa ganitong istruktura ng gobyerno ay madadagdagan daw ang pera ng mga pamahalaang lokal para sa pagpapatupad ng kanilang plano.

Ayon naman kay Gov. Ynares ay natitiyak niyang alam ni Pangulong Duterte na ang Federalismo ay malaki ang ikabubuti nito sa bansa.

“Nasisiguro ko ito ay alam niya, kung ano ang ating sitwasyon sa local government. Ako ay nagpapasalamat sapagkat ang DILG ay umiikot sa buong Pilipinas upang maipaliwanag kung ano ang federalism at naniniwala ako na ang ating pangulo, sa kanyang pananaw ang federalism ay makakatulong upang matugunan natin ang ating mga problema at pangangailangan,” wika ni Gov. Ynares.

Sa ilalim ng federalism, mahihikayat ang mga tao na makilahok sa proseso ng pagdedesisyon dahil dito ang mga lokal na pamahalaan ay tunay na kumakatawan sa mga tao at lumilikha ng puwang para umunlad ang pagkakaiba.
Mas magiging epektibo daw ang pamamahala dahil mas mailalapit ang pamahalaan sa mga mamayanan.

Naniniwala si Gov. Ynares na hindi dito nagtatapos ang pag-iikot ng DILG sapagkat ito ay patuloy na ipapakalat ang kaalaman kaugnay ng federalism.

“Ako ay umaasa na hindi pa ito magtatapos dahil wala pa iyong mga detalye sa ngayon;

“Kung paano pa lang ang essence ng federalism how does it work ang pinag-uusapan pero iyong iba pang bagay na nagbubuo sa federalism na gusto ipatupad sa bansa ay ipepresenta pa sa atin,” paliwanag ni Gov. Ynares.

Gov. Nini Ynares: “Ang Diyos, nagpapatawad; pero ang climate change at kalikasan, hindi!”

Teksto at litrato ni Elida Bianca Marcial 
Correspondent

Ito ang mensahe ni Governor Rebecca ‘Nini’ Ynares kagabi, Lunes, November 27, 2017 sa pagpapailaw ng Yes to Eco-System o YES Christmas Tree ng munisipyo na ginanap sa liwasang bayan ng Angono.

Ayon kay Gov. Nini, ang Kapaskuhan ay sumisimbolo ng pagpapaalala at pagpapatawad.

“Ito ay kung gaano kamahal ng Diyos ang mga tao sa pagbibigay Niya kay Jesus Christ upang iligtas sa mga kasalanan,” wika niya.

Gayunman, ipinaalala ni Gov. Nini na ang pagmamalabis ng tao sa kalikasan ay nagdudulot na ng pagbabago ng temperatura at mga mapaminsalang sakuna sa mundo.

“Nais ko ipaalala sa inyo na kahit ano ang ating kasalanan, tayo ay kayamg patawarin ng Panginoon basta tayo ay nagsisisi at nagbabago ganoon Niya tayo kamahal;

“Subalit kung ang Diyos ay nakakapagpatawad sa ating kasalanan, nais kong ipaalala sa inyo na hindi ang kalikasan,” wika ng gobernadora.

Dagdag pa ng ina ng lalawigan, ang mga pagbabagong dinadanas ng mundo dahil sa climate change ay palala nang palala ang problema sa kalikasan.

“Ang temperatura ay tumataas na ng sa 1.5˚ Celsius na patuloy ng umiinit ang mundo, natutunaw ang kayeluhan sa karagatan, tumataas ang tubig sa dagat at ito ang pinagmumulan ng kalamidad.
Ngayong Pasko, magsilbi sana itong araw upang alalahanin ang pagmamahal ng Diyos sa tao sa magandang mundo ibinigay nito sa sangkatauhan,”‘ wika ni Gov. Nini.

Sa kanya pa ring mensahe, pinuri ni Gov. Nini ang mga programa ni Angono Mayor Gerry Calderon sa pagpapaigting na buhayin at linisin ang kapaligiran.

“Nang ako ay unang manungkulan bilang Punonglalawigan ay kasama ko na rin ng panahon na iyon si Mayor Gerry at talaga ako ay humanga sa kaniyang galing sa pag-iisip;

“Noon pa ay sinabi na niya na hindi ako maglalagay ng budget para sa garbage truck, sisiguraduhin ko na lang na mananalo kami para makuha namin nang libre ang mga garbage truck at ‘yung pera na dapat na ibudget para sa garbage truck, bibigyan ko nalang ng trabaho ang aking mga kababayan at iyon ang mga isweldo sa mga street sweepers at totoo nga, nanalo kayo noon,” wika niya.

Inisa-isa ni Gov. Nini ang mga parangal na natanggap ng bayan ng Angono sa YES to Green program tulad ng pagiging Top YES performer, cleanest waterways at limang barangay, San Pedro, Kalayaan, San Vicente, Sto. Nino at Mahabang Parang na may functional Material Recovery Facilities, na ang lahat ng karangalanan na ito ay may mga katumbas na isang garbage truck na nagkakahalaga ng isang milyon.

Sa kasalukuyan ay sampung garbage truck at mga tricycle ang napanalunan na ng Angono sa YES To Green Program ni Gov. Nini.

“Sa contest na ito na aking ginagawa pakonswelo lang yung papremyo, pero ke-pangit o maganda lahat tayo ay panalo sapagkat ginagawa natin ang recycling” paliwanag ni Ynares.

Ayon naman kay Arys Maniaol, host sa nasabing programa at Bottom Up Budgeting o BUB Coordinator ng munisipyo, ang mga plastic bottles na ginamit sa Christmas tree ay mulung irerecycle at gagamitan para sa paggawa ng mga souvenir items tulad ng mga higantitos.

“Ang mga plastic bottles na ito ay gagamitin para sa paggawa ng higantitos na ginagawa ng mga PWD at iba pang kasapi ng marginalized sector upang sila ay may mapagkakitaan at may maipambili ng bigas,” wika ni Arys.

Ang Christmas tree na pinailawan kagabi ay gawa sa mga recycled materials at dinesenyuhan ni Roland Vitor ng Angono Tourism at katuwang ang iba pang volunteers dito.

Bukod kay Gov. Nini at Mayor Gerry, dumalo din ang iba pang provincial, local at barangay officials.

Angono, pinarangalan ng Tourism Excellence Award kahapon, Lunes, Nov. 27, 2017

Ni Elida Bianca Marcial
Correspondent

Tinanggap ni Mayor Gerry Calderon ang karangalang Tourism Excellence Award for Local Government kahapon, Lunes, November 27, 2017 sa The Bellevue Manila Alabang, Muntinlupa City.

Kasama ni Mayor Gerry na tumanggap ng nasabing parangal si Angono Tourism Officer Bernard Laca Jr.

Ang nasabing parangal ay pagkilala sa kontribusyon sa turismo at sa mga programang naipatupad nito, at iginawad ng Department of Tourism-Region IV A o Calabarzon.

Ito ay patunay na ang bayan ng Angono sa buong rehiyon at maging buong bansa ay patuloy sa pagsagawa ng mga gawain para sa ikaaangat ng turismo, sining at kabuhayan ng bayan.

Nakaangkla ang proyektong turismo ng pamahalaang bayan sa pananaw na “Sa Turismo Aangat ang Angono”.

Isa itong komprehensibong programa sa physical and traffic development ng bayan, waste management and clean and green programs, pagbibigay ng livelihood sa pamamagitan ng creative economy, at pagsuporta sa mga gawaing pangsining at kultura ng mga artist at mamamayan sa bayang tinaguriang Art Capital ng Pilipinas.

Ang estratehiyang “Sa Turismo Aangat ang Angono” ay ginantimpalaan ng Galing Pook Award noong 2004 ng Galing Pook Foundation dahil sa kakaiba ito, matagumpay at maaaring pamarisan ng ibang bayan.

Noong nakaraang linggo lamang, umani din ng parangal ang bayan nang makopo nito ang pangatlong Seal of Good Local Governance 2017.

Kamakailan din ay nagwagi nang ikalawang ulit ang Angono ng Galing Pook Award 2017 para sa entry na Participatory and Systematic Governance for Socio-Economic Development; YES Top Performer and Cleanest Municipality for Waterways; 3rd Most Competitive para sa 1st-2nd class municipalities ng National Competitiveness Council-Philippines sa buong bansda; at 2nd Best Public Employment Service Office din sa buong bansa.

Historic win proof of Angono’s good governance and financial transparency

By Richard R. Gappi

A day after the feast of St. Clement and Higantes Festival which highlighted the achievements of the municipality of Angono because of good governance as well as its expression of gratitude to the town’s patron saint, Mayor Gerry Calderon received again the Seal of Good Local Governance from the national Department of the Interior and the Local Government yesterday, Friday, November 24, 2017.

The awarding, held in Manila Hotel, capped Angono’s historic feat as the town known as the Art Capital of the Philippines bagged the award for three consecutive years.

SGLG measures and validates the local government unit’s administrative and financial standing, business activity, resiliency and disaster-risk reduction preparedness, art and tourism program, and peace and order. 

Apart from the SGLG, the municipality has achieved other unprecedented awards this year namely two-time awardee of Gawad Galing Pook, 3rd Most Competitive among 1st-2nd class municipalities in the Philippines, 2nd Best Public Employment Service Office nationwide, Ynares Eco-System (YES) Top Performer in the province, among others. 

Prusisyon ng Pagoda sa Lawa ng Laguna sa Kapistahan ng Patron ng Bayan ng Angono na si San Clemente, tanghali, Huwebes, November 23, 2017

Ang mga litrato ay mula sa Angono Municipal Disaster Risk Reduction Management Office na pinamumunuan ni Engr. Arnold Piñon at ni Tracy Pascual/Office of the Mayor Gerry Calderon.

Isa ang MDRRMO sa mga grupong nagsiguro na ligtas, maayos at payapa ang prusisyon na tampok sa kapistahan ng bayan.

Tampok din sa prusisyon ng Pagoda ang mga Parehadora na may dalang sagwan at may makukulay na kasuotan.

Ngayong taon, Best Parehadora muli ang Barangay San Roque. Second (2nd) place ang Sto. Niño at 3rd place ang San Isidro.

Bandang alas-2:00 ng hapon natapos ang prusisyon ng Pagoda na nagsimula matapos ang konselebradang Misa ng ala-6:00 ng umaga.

Dati nang Hall of Famer ang Barangay San Roque dahil tatlong beses na itong primerang parehadora na tampok sa Kapistahan ni San Clemente, ang patron ng bayan ng Angono.

Parada sa Bisperas Mayores tampok ang handog ng mga barangay, Comite Central de Festejos at humigit-kumulang 70 Higante/Higantitos ngayong umaga, Miyerkules, Nov. 22, 2017

Teksto ni Richard R. Gappi katuwang ang Angono artist na si Dolpee Alcantara

Tampok sa mga ipinaradang higante ang mga higante ni Totoy Tajan, Totie Argana, Balaw-Balaw, at Nemi Miranda na mga pangunahing gumagawa ng higante sa Angono Art Capital of the Philippines.

Bawat barangay naman ay itinampok ang imbitado nilang banda/mosiko, na ang ilang banda ay galing pa sa Taguig at sa Cabiao, Nueva Ecija.

May ilang eskwelahan din ang tumugtog ng kanilang drum and lyre.

Nasa dulo ng parada ang mga kasapi ng Banda Uno (Angono National Symphonic Band) at mga kasapi ng Comite Central de Festejos.

Pagdating sa simbahan ay tumugtog muli ang mga banda at nagsayaw sa patio ang mga namamanata sa Mahal na Patrong Sam Clemente.