Ulat ni Elida Bianca Marcial
Correspondent

Isa sa mga naging panauhin si Mayor Gerry Calderon sa opening at house blessing ng Robinsons Homes na Pueblo Angono Springdale sa Mahabang Parang umaga ng Martes, September 26, 2017.

Dinaluhan din ang nasabing house blessing nina Ms. Cora Ang Ley, Business Unit General Manager ng Robinsons Homes; Nancy Unidad, Angono MPDC head; at Zenaida Bacani, Angono Budget Office head.

Ayon kay Mayor Gerry, itinuturing niyang one of the most promising ang Barangay Mahabang Parang sa mga development projects at mga establishments na maitatayo rito.

“Gusto ko po ipakita ang mukha ng Mahabang Parang ngayon, ang Mahabang Parang is one of the most promising areas kasi nakatutok po tayo diyan,” wika ni Mayor Gerry.

Binigyang diin din ng punongbayan na mananatili pa rin ang mga puno nito kahit ito’y pasukin ng mga subdivisions at establishments.

Ipinagmamalaki rin niya ang malaki nang ikinaganda ng Mahabang Parang.

“Ito nga pong sa Robinsons ay ang resulta ng mga official international travel natin — na itong dating mga manukan nilang nangangamoy noon dyan sa itaas ay ikinonvert na subdivision,” wika ng punongbayan.

“Pero itong development sa itaas, palagi-lagi nating inuulit yung pong mga walang puno. Pero yung mga may puno, ito po ay bahagi na ipipreserve ng ating bayan na laging nag-ooffer ng may development.

Hindi natin kinakailangan ng development kung ang mga remaining green area ng bayan ay maaapektuhan,” dagdag pa ni Mayor Calderon.

Kabilang rin sa mga dumalo ang mga kinatawan ng Robinsons Homes na sina Engr. Bong Dimatulac, VP for CPPD; Cris Ticzon, Business Development Head; Luigi Prieto, Sales and Marketing head;

Engr. Nes Sycon, Sr. Project Manager; Arnel Cardano, Planning Head; Engr. Marianne Estabillo, Permits and Licensing Head; Glenda Santos, Sales Documentation Head; Veronica Sace, Asst. Manager-Credit and Collection; Anna Cruz, Marketing Manager; Richard Bautista, HR Manager; at Armie Rubi, OIC for Land Acquisition.