Ulat ni Elida Bianca Marcial 
Correspondent
September 4, 2017; Lunes, 12:25PM

Binigyang pagkilala ni Mayor Gerry Calderon ngayong umaga ng Lunes, September 4, 2017 ang mga estudyante ng URS Angono bilang over-all champion ng URS Socio-Cultural and Literary Festival.

Personal na isinabit ni Mayor Gerry sa mga estudyante ang kani-kanilang medalya. Ginanap ito sa liwasang bayan kaalinsabay ng lingguhang pagtataas ng bandila ng mga kawani at lokal na pamahalaan .

Kasama ni Mayor Gerry na nagbigay pagkilala sina Konsehal Jeri Mae Calderon, Arling Villamayor at Patnubay Tiamson.

Ang URS Angono ay nagwagi ng 1st place sa dagliang talumpati, on the spot painting, pencil rendering, battle of the bands, kundiman at vocal pop solo. 2nd place naman sa essay, chorale singing at instrumental.

Nagkamit din ng parangal sa contemporary dance, vocal duet, radio drama, sanaysay at quiz bowl. Nagwagi naman Mr. URS 2017 si Kercy Mata at Ms. URS 2017 2nd runner-up naman si Tricia Malabanan ng URS-Angono.

Ang nasabing festival ay ginanap noong August 9-11, 2017.

Si Maureen Bulatao, na propesor ng URS-Angono, ang nagsilbing Over-all Chairperson ng Socio-Cultural and Literary Festival 2017.