Mayor Gerry, pinarangalan ang taga-Angono na nag-Top 2 sa buong Rizal sa Civil Service exam

Ulat ni Elida Bianca Marcial
Correspondent

Binigyan nitong linggo ni Angono, Rizal Mayor Gerry Calderon ng sertipiko ng pagkilala ang taga-Angono na nag-Top 2 sa buong lalawigan sa nakaraang Civil Service examination sa professional level.

Si Ira Dominique Guerrero, na taga-Barangay Kalayaan, ay pumangalawa sa mga nakapasang examinees mula sa lalawigan, base na rin sa sulat-pabatid ng Rizal-Civil Service Commission sa Human Resource Management Office ng munisipyo.

Si Ira, na nagtapos sa University of the Philippines-Los Banos, ay nakakuha ng scrore na 88% at pumangalawa sa examinee na taga-Taytay na nag-No.1.

Si Ira ay kinatawan ng kanyang ina na si Mrs. Bernadette Guerrero nang tanggapin ang nasabing sertipiko.

“Lagi po tayong nagre-recognize ng mga natatanging kababayan natin na nagkakaroon ng awards, distinctions and then sa larangan ng iba’t ibang sining o kung ano man ang kanilang napanalunan,” wika ni Gng. Lina Intalan, HR head ng munisipyo.

Base sa anunsyo ng CSC, sa Professional level, may 21, 792 o 10.39% ang nakapasa mula sa 196,819 examinees sa buong bansa.

Ang pagpasa sa civil service exam ang isa sa mga requirement upang maging 2nd level permanent employee sa sinumang nais magtrabaho sa government sector.

Posted in ANGONO NEWS.