Model employee ng munisipyo sa bawat opisina, pinarangalan ni Mayor Gerry

Ni Elida Bianca Marcial

Pinangunahan ni Mayor Gerry Calderon ngayong Lunes ng umaga, Nov. 13 ang pagkilala sa mga natatanging empleyado ng munisipyo na mga model employees ngayong huling quarter ng taong 2017.

Ang mga ginawaran ay isa-isang binigyan ng katibayan ng pagkilala at cash incentive na nagkakahalaga ng P1,500.

Ang mga binigyang pagkilala ay sina
Melinda Hipol ng Municipal Accounting Office, Edgar Tudela ng Business Permit and Licensing Office, Ruffy Intalan ng Urban Settlement and Development Office, Ma. Gina Vitor ng Municipal Budget Office, Primo Angelo San Juan ng CTLO/PESO;

Norbert Cabalon ng General Services Office, Ronald Reyes ng Municipal Health Office, Alfonso Capistrano ng HRMO, Maria Lorna Damaso ng Mayor’s Office, Lorimer Esteban ng Municipal Civil Registrar, Fernan Villanueva ng MDRRMO;

Snorvy Ebot ng Municipal Planning and Development, Alfredo Balagtas, Jr. ng PSO, Marlyn Villamayor ng Sanggunian Bayan at Marcelina Senson ng Municipal Treasury.

Ito ay quarterly recognition ng Human Resource and Management Office para kilalanin ang mga empleyadong nagpakita ng exemplary work performance.

Posted in ANGONO NEWS.