logo-final

Neo-Angono Artists, nag-courtesy call at nagpasalamat kay Mayor Gerry dahil sa kanilang paglahok sa Roppongi Art Night 六本木アートナイト Festival sa Tokyo, Japan

Ulat at mga litrato ni Elida Bianca Marcial 
Correspondent

Nag-courtesy call ang Neo-Angono Artists Collective kay Mayor Gerry Calderon kaninang Lunes ng umaga, October 9, 2017.

Ito ay bilang pasasalamat ng grupo dahil sa naitulong ng punongbayan upang ang mga kasapi ng nasabing Angono-based artist group ay makalahok sa Roppongi Art Night Festival na ginanap sa Tokyo, Japan noong nakaraang linggo.

Ang grupo ay nirepresenta nina outgoing president Michael Ian Lomongo at group adviser Richard R. Gappi, ang founding president ng nasabing artist group.

Bilang pasasalamat ay hinandugan ng Neo-Angono si Mayor Gerry ng artwork na gawa ni Ramon ‘Chitoy’ Zapata.

Si Mayor Gerry ay nagbigay ng tulong pinansyal, souvenir items at endorsement upang irepresenta ng grupo sa nasabing festival ang Angono Art Capital of the Philippines at Pilipinas.

Ang pagtatanghal ng grupo ay pinamagatang “Walking Among Giants: Them Are Us Too” sa Tokyo, Japan noong September 30-October 1, 2017.

Itinampok ng Neo-Angono ang Higante performance art at 24 na Higante sa iba’t ibang lugar ng nasabing syudad na nagawa ng mga Japanese artist matapos ang workshop na ibinigay ng Neo-Angono.

Naimbita ang grupo dahil na rin sa paanyaya ng Mori Museum.

Ang mga kasapi ng Neo-Angono na nagpunta sa Japan ay sina Wire Tuazon, Sony ‘Aga’ Francisco, Ian Lomongo, Ramon ‘Chitoy’ Zapata, Keiye Miranda, Rem Vocalan, Philip Anorico, Mary Llenell Paz, Chantel Garcia at ang adviser ng grupo na si Nemi Miranda Jr.

Scroll to Top