TINGNAN | Muling pinaalalahanan ni Mayor Jeri Mae Calderon ang ating mga kababayan na pangalagaan ang ating ilog at huwag tapunan ng mga basura.

Sa kaniyang paalala, ipinakita niya ang multang ipapataw sa mga lalabag na aabot ng hindi baba sa Php 10, 000 hanggang Php 200,000.

Tuloy-tuloy pa rin ang River Rehabilitation Program o mas kilala sa “Hukay Ilog” ng Lokal na Pamahalaan bilang paghahanda sa tag-ulan upang ang pagbaha at pag-apaw ng ilog ay maiwasan.