TINGNAN | Personal na tinaggap ni Mayor Jeri Mae Calderon kasama si MSWD head, Luisita Vestra ang pagkilalang SFP Good Implementer sa bayan ng Angono ng Department of Social Welfare and Development Office ngayong Lunes, May 8, 2023.

Ito ay para sa namumukod-tanging pagpapatupad ng lokal na pamahalaan sa aktibong suporta nito sa Supplementary Feeding Program na humahantong sa mabisa at mahusay na paghahatid ng mga serbisyo sa ating mga kabataang benepisyaryo.

Ang Supplementary Feeding Program (SFP) ay ang pagbibigay ng pagkain bilang karagdagan sa mga regular meals ng mga bata na kasalukuyang naka-enroll sa mga day care center bilang bahagi ng kontribusyon ng DSWD sa Early Childhood Care and Development (ECCD) program ng gobyerno.