Weather Advisory

Walang binabantayang Low Pressure Area sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility ang PAGASA pero dahil sa mga localized thunderstorms, may tyansa ng pulo pulo, biglaan, at mabilisang pag-ulan na may kasamang kulog at kidlat ang mararanasan sa buong Luzon. Biglaan at mabilisan ngunit may kalakasan ang mararanasang mga pag-ulan kaya naman ipinapaalala po na magdala ng payong o kapote para may proteksyon sa ulan.

Paalala mula sa Mag-ama, magkasama sa programa, Mayor Jeri Mae E. Calderon at Vice Mayor Gerardo V. Calderon.

WEATHER UPDATE

WEATHER UPDATE | Mga dapat malaman tungkol sa BAGYONG MAWAR na tatawaging BAGYONG BETTY kapag nakapasok na ito sa Philippine Area of Responsibility

Ang BAGYONG MAWAR (International Name) ay naging isang Super Typhoon muli. Sa pinakahuling impormasyon na nanggaling sa DOST-PAGASA, hindi ito tatama sa kalupaan ng bansa ngunit papasok ito sa Philippine Area of Responsibility.

Ang BAGYONG MAWAR na tatawaging BAGYONG BETTY ay inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility mamayang gabi ng Biyernes o bukas ng umaga ng Sabado.

Ang BAGYONG MAWAR o BAGYONG BETTY ay maaaring magpalakas ng Habagat na magdudulot ng malakas na pag-ulan. Makipag-ugnayan sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o sa E-Serbisyong May Puso Action Center.

Narito po ang mga Hotline Numbers

Globe: 0956-012-8018 / 0935-314-1672
Smart: 0919-082-8094 / 0961-513-0282
MDRRMO: 8451-1711

Para sa iba pang mga impormasyon tungkol sa bayan ng Angono, bumisita sa www.angono.gov.ph

Isang paalala mula sa Mag-Ama, magkasama sa Programa Mayor Jeri Mae E. Calderon at Vice Mayor Gerardo V. Calderon

 

 

 

2022 National Bayanihan Service Awardee for Hall of Famers

Pormal na iginawad ni DOLE Rizal Provincial Director Marivic Martinez ang mga plake ng pagkilala na tinanggap ng bayan ng Angono Rizal, sa pamamagitan ng PESO nito, bilang 2022 National Bayanihan Service Awardee for Hall of Famers Category.

Ang pagkilalang ito ay dahil sa mga katangi-tangi at mga ma inobatibong pamamaraan ng bayan ng Angono upang maipagpatuloy ang paghahatid ng mga serbisyong pang trabaho at kabuhayan para sa mga mamamayan nito sa kabila ng mga pagbabagong dulot ng NEW NORMAL. Ilan dito ay ang Digitalized Employment Facilitation Services, Extended Assistance to Displaced OFWs at Recovering Persons Who Used Drugs.

“Ang karangalang ito ay kabahagi ng ating participatory and systemic governance kung saan ang lahat ng sektor, lahat ng players, mga pribadong kumpanya, iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng DOLE, OWWA at TESDA at mga CSO partners, ay hinihikayat nating makilahok upang mas lalo nating mapadali ang pagbibigay ng trabaho at hanap-buhay para sa ating mga kababayan…” ani Mayor Vice Calderon habang tinatanggap ang pagkilala.

Sa walong nominado sa kategoryang ito ng mga Best PESO Hall of Famers, isa ang Bayan ng Angono sa tatlong napiling nagwagi sa buong Pilipinas. Ang Angono din ang kaisa – isang munisipalidad sa hanay ng mga nominado para sa prangal na ito kasabay ang iba pang mga siyudad at probinsya.