(5th Update, 2:30PM) News: As of 2PM, nasa vicinity ng Tanay, Rizal ang bagyong #MaringPH, ayon sa 2:00PM forecast ng Pagasa

Narito ang buong ulat:

SEVERE WEATHER BULLETIN # 8
FOR: Tropical Depression #MaringPH
Tropical Cyclone: WARNING

ISSUED AT: 2:00 PM, 12 September 2017

TROPICAL DEPRESSION “MARING” HAS MAINTAINED IS STRENGTH IS NOW OVER RIZAL-METRO MANILA AREA

Moderate to heavy rains will be experienced over Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA and Pangasinan due to TD “Maring”. Residents of these areas are alerted against possible landslide and flashfloods.

Sea travel is risky over the seaboards of Mindoro and the eastern seaboards of Aurora, Quezon, and Bicol region.

Tropical Cyclone Warning Signal over Camarines Sur is now lifted.

Location of eye/center:At 1:00 PM today, the center of Tropical Depression “MARING” was estimated based on all available data at In the vicinity of Tanay, Rizal (14.6 °N, 121.3 °E)

Strength:Maximum sustained winds of 60 kph near the center and gustiness of up to 100 kph

Forecast Movement:Forecast to move West Northwest at 15 kph

Forecast Positions:
24 Hour(Tomorrow morning): 205 km West of Iba, Zambales(15.3°N, 118.1°E)

48 Hour(Thursday morning):480 km West Northwest of Iba, Zambales(16.2°N, 115.6°E) 
72 Hour(Friday morning): 695 km North of Pagasa Island, Palawan(17.2°N, 113.5°E) 
96 Hour(Saturday morning):990 km North Northwest of Pagasa Island, Palawan(19.2°N, 110.6°E)

TCWS#1-Metro Manila, Camarines Norte, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Northern Quezon incl. Polillo island, Southern Aurora, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan and Pangasinan.

The public and the disaster risk reduction and management council concerned are advised to take appropriate actions and watch for the next weather bulletin to be issued at 5 PM today.

******
(3rd Update, 1:15PM) News: 29 na pamilya o 154 na katao, nasa 3 evacuation centers sa Angono

Ni Richard R. Gappi

Ito ang pinakabagong ulat ng Angono Municipal Disaster Risk Reduction Management Office kaugnay sa epekto ng tropical depression #MaringPH.

Ang kopya ng ulat ay ipinasa sa DSWD Region IV-A para sa kanilang update.

Bukod sa nabanggit kanina na bahagyang landslide sa isang eskwelahan sa barangay San Isidro, may nag-collapsed na ring maliit na bahagi ng rirrap/dike ng ilog sa Creekside sa Barangay San Roque.

Sa nasabing report ng MDRRMO, 47 katao ang nasa evacuation center sa Doña Justa Guido Memorial School sa Brgy. San Roque.

Apatnapu’t apat na indibidwal ang nasa Senior Citizens/Veterans Center at 63 katao sa Kalayaan covered court na parehong sakop ng Brgy. Kalayaan.

Mula alas-9:00 ng umaga hanggang 11:00AM kanina, bahagyang tumigil ang ulan sa Angono.

Pero bandang 11:15AM hanggang 1:00PM ay bumuhos muli ang malakas na ulan.

Ngayong 1:15PM ay tumigil uli ang ulan ngunit madilim pa rin ang kalangitan. #

******
(2nd Update, 11:45AM) News: Kasingdami ng dalawang gallon ng tubig, posible pa ring bumuhos sa Angono at Rizal province ngayong tanghali, Martes, September 12, 2017

Ni Richard R. Gappi

Ito ang ulat ng Pagasa sa 11:00AM forecast nito ngayong Martes, September 12, 2017 kaugnay sa magkakambal na sama ng panahon dulot ni #MaringPH at #LanniePH.

Kaugnay ito sa Yellow warning rainfall na ini-issue ng Pagasa sa Rizal province na kabilang sa Calabarzon.

Ano ang Yellow rainfall warning?

Ito ang paliwanag ng Rappler news site:

“This means heavy rainfall of 7.5 – 15 mm in an hour is observed and is expected to continue for the next 2 hours. This can be equivalent to 2 gallons of rain per square meter per hour.

When Pagasa gives yellow advisory, it means that residents in affected areas should continue monitoring their weather condition. Flooding for low-lying areas is possible.”

******

Update sa #MaringPH sa Angono, Rizal as of 9:00AM, Martes, September 12, 2017

Ulat nina Richard R. Gappi at Elida Bianca Marcial
September 12, 2017; Martes, 9:15AM

Bahagyang landslide. Hanggang baywang na baha sa Rainbow Subdivision. Evacuees sa Barangay Kalayaan Covered Court at Doña Justa Covered Court.

Ito ang mga inisyal na ulat na nakalap ng aRNO at Angono Public Information Office sa dulot ng Tropical Depression ‘Maring’ sa bayan ng Angono ngayong alas-9:00 ng Martes ng umaga, September 12, 2017.

Sa panayam kay Fernan Calderon Villanueva na tagapangasiwa ng Municipal Public Safety Office and Traffic Monitoring Office, nabanggit niyang ang kasagsagan ng lakas ng ulan at taas ng baha ay naganap bandang bago ala-6:00 ng umaga kanina.

Dulot nito, bahagyang nagka-landslide sa itaas na bahagi ng Vivencio Villamayor Memorial National High School sa Barangay San Isidro.

Umabot naman hanggang sa baywang ang baha sa dulo ng Rainbow Subdivision sa Barangay Kalayaan.

Sa main road ng M.L.Quezon Avenue, umabot hanggang sa tuhod ang baha pero mabilis din itong humupaat nag-iwan ng putik, na nililinis na ngayon.

Sa kalsada din sa may Triangle sa hi-way, may isang pedestrian ang bahagyang nahagip ng traysikel kaninang umaga, na ngayon ay nasa ospital na.

Ayon naman kay Angono DSWD officer Luisita Vestra, may pitong pamilya o 47 indibidwal ang nag-evacuate sa covered court ng Doña Justa sa Barangay San Roque.

May mga lumikas na rin sa covered court ng Barangay Kalayaan pero sa ngayon ay papunta ang Angono DSWD upang tukuyin ang dami para na rin sa paghahanda ng asiste at relief goods.

Ayon pa kay Villanueva, mabuti at tumigil ang ulan ngayon at bumaba ang tubig sa ilog, na ang pinakamataas ay umabot sa halos 10 feet.

Mamaya ding 10:00AM ang landfall ni #MaringPH kaya inaasahan uli ang bugso ng ulan, dagdag pa ni Villanueva.

Matatandaan na kagabi ng bandang 8:00PM ay sinuspinde ni Angono Mayor Gerry Calderon ang klase sa lahat ng antas sa mga publiko at pribadong eskwelahan.

Kaninang umaga naman, sinuspinde ng Malacañang ang trabaho sa NCR, Region III at Calabarzon dulot ng masamang panahon.

Antabayan ang patuloy na update sa balitang ito.