WEATHER UPDATE | Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Betty (Mawar). Ayon sa PAGASA, bagamat hindi tatama ang nasabing bagyo sa kalupaan ay magdudulot ito ng mga malakas na pag ulan sa maraming bahagi ng ating bansa dahil sa paghila nito sa hanging habagat.

Nakahanda naman ang ating pamahalaang bayan kasama ang mga barangay sa pagdating at maaring maging epekto ng Super Typhoon Betty sa ating bayan.

Patuloy na pinapaalalahanan ang ating mga kababayan na maging handa at alerto sa pagdating ng nasabing bagyo.