Ulat nina Elida Bianca Marcial at Richard R. Gappi
Walang naiulat na nasugatan o namatay ngunit humigit-kumulang P10 million na worth of properties ang naabo sa sunog na naganap sa Angono Savemore/AB Central noong Linggo ng madaling araw, October 15, 2017.
Ito ang opisyal na ulat ng Angono Bureau of Fire Protection sa fire incident na inimbestigahan nina fire arson investigators Senior Fire Officer (SFO2) Alex Saño at Fire Officer (FO3) Romano Javier.
Ang opisyal na ulat, na ang kopya ay nakuha at nabasa ng Angono Public Information Office at Angono Rizal News Online ngayong Lunes ng Oct. 17, ay kinumpirma ni Angono Bureau of Fire head Senior Fire Officer (SF04) Pablo Vite.
Bagaman dalawang araw na ang nakakalipas, iniimbestigahin pa rin ng Angono BFP ang sanhi ng sunog at ngayo’y nakatutok sila sa dalawang area sa nasabing establisyemento upang kumpirmahin na dito nagsimula ang apoy.
Base sa official report, 1:05AM ng Linggo nang magsimula ang apoy at ito ay naitawag sa bumbero ni Romeo Caloma sa radio control room ng munisipyo.
Bandang 6:30AM ng umaga nang ideklarang fire under control at fire out naman bandang 10:17AM ng Linggo, o halos siyam (9) na oras matapos magsimula ang apoy.
Bandang 1:10AM naman unang dumating ang nagrespondeng bumbero ng Angono sa sunog na ito na umabot sa 3rd alarm.
Apektado ng sunog ang mga establisyemento ng Savemore Supermarket, Mang Inasal restaurant, Altea Footwear, Stitches, Charma Botique, Watsons Pharmacy, BDO Bank, Victorious Pancit Malabon Resto, Manjaro Footwear, Filmore Sports Wear, Agencia Tarlac, at mga cellphone stand.
May 16 na firetrucks ang nagtulong-tulong upang patayin ang apoy. Ang mga ito ay mula sa Angono, Taytay, Binangonan, Cainta, Cardona, Antipolo, Teresa, Morong, Baras, at mga fire brigade volunteers mula sa Pasig at Marikina.
Kasalukuyang walang operasyon sa buong AB Central sapagkat patuloy pa rin ang clearing sa bawat store na involved at dahil walang kuryente dahil inalis muna ng Meralco.
Pero ang Altea at Charm Boutique ay hindi pinagagalaw dahil dito iniimbestigahan at hinihinala ng Angono BFP na dito nagsimula ang sunog.
Matatandaan din na noong umaga ng Linggo ay ininspeksyon ni Angono, Rizal Mayor Gerry Calderon ang establisyemento upang alamin ang naging epekto at lawak ng nasabing sunog.
Samantala, inianunsyo ng management ng SM Center Angono na 7AM hanggang 9PM open ang operasyon ng Savemore.
Samantalang ang Watson at BDO ay 10AM pa rin nagbubukas. #
(2nd Update) News: Sunog sa Savemore Angono
Ni Richard R. Gappi
Ang mga litratong ito ay kuha ni Angono Rizal News Online contributor Jun de Luna na halos 30 minuto pa lamang ang nakakalipas simula ng sunog sa Savemore Angono, 2:45AM, Linggo ng madaling araw, October 15, 2017.
Ayon kay Jun, rumesponde ang mga bumbero mula sa Angono, Taytay, Binangonan at Antipolo.
May video rin si Konsehal Patnubay Tiamson sa aftermath ng sunog ngayong umaga.
I-scroll down lang ang timeline/wall ng Angono Rizal News Online upang mapanood ang video. O bisitahan ang site na Patnubay ng Angono.
Samantala, nagpunta ang aRNO at Angono Public Information Office sa Angono Bureau of Fire sa munisipyo ngayong 9:30AM ng Linggo, October 15, 2017 upang kumuha ng update.
Pero tinatapos pa ang opisyal na imbestigasyon.
Antabayanan ang official report ng Angono Bureau of Fire sa insidenteng ito.