Pormal na iginawad ni DOLE Rizal Provincial Director Marivic Martinez ang mga plake ng pagkilala na tinanggap ng bayan ng Angono Rizal, sa pamamagitan ng PESO nito, bilang 2022 National Bayanihan Service Awardee for Hall of Famers Category.
Ang pagkilalang ito ay dahil sa mga katangi-tangi at mga ma inobatibong pamamaraan ng bayan ng Angono upang maipagpatuloy ang paghahatid ng mga serbisyong pang trabaho at kabuhayan para sa mga mamamayan nito sa kabila ng mga pagbabagong dulot ng NEW NORMAL. Ilan dito ay ang Digitalized Employment Facilitation Services, Extended Assistance to Displaced OFWs at Recovering Persons Who Used Drugs.
“Ang karangalang ito ay kabahagi ng ating participatory and systemic governance kung saan ang lahat ng sektor, lahat ng players, mga pribadong kumpanya, iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng DOLE, OWWA at TESDA at mga CSO partners, ay hinihikayat nating makilahok upang mas lalo nating mapadali ang pagbibigay ng trabaho at hanap-buhay para sa ating mga kababayan…” ani Mayor Vice Calderon habang tinatanggap ang pagkilala.
Sa walong nominado sa kategoryang ito ng mga Best PESO Hall of Famers, isa ang Bayan ng Angono sa tatlong napiling nagwagi sa buong Pilipinas. Ang Angono din ang kaisa – isang munisipalidad sa hanay ng mga nominado para sa prangal na ito kasabay ang iba pang mga siyudad at probinsya.