06/05/2023- bumisita ngayong Lunes ng umaga kay Mayor Jeri Mae Calderon ang Punongguro ng Dr. Vivencio B. Villamayor Integrated School na si Dr. Rommel Mar De Guzman at kaniyang ibinalita sa Punong Bayan ang mga nalalapit na mga gawain ng kanilang paaralan kabilang na ang pagtatapos at pag-aangat ng antas ng kanilang mga estudyante sa continue reading : Punongguro ng Dr. Vivencio B. Villamayor bumisita kay Mayor Jeri Mae Calderon
Pansamantalang pagsasara ang bahagi ng A. Ibañez St. dahil sa isinasagawang taping
PAALAALA: Inaabisuhan ang publiko na pansamantalang nakasara ang bahagi ng A. Ibañez St. (tapat ng Blanco Family Museum) sa Barangay San Vicente ngayong Biyernes dulot ng isinasagawang shoot/taping para sa isang bagong teleserye ng GMA. Mula sa Barangay Sto. Niño ay maaaring kumanan sa Ipil St at kumaliwa patungong Gingergrace Academe palabas ng Perez St.
Courtesy Call ng Bagong Hepe kay Mayor Jeri Mae Calderon
06/01/2023- nagcourtesy call ngayong Huwebes ng hapon kay Mayor Jeri Mae Calderon ang bagong hepe ng pamatay-sunog ng Bayan ng Angono na si Supt. Crispulo P. Eusebio Jr. Si Supt Eusebio ay naitalagang Municipal Fire Marshall sa ating bayan nito lamang huling linggo ng Mayo. Sa kasalukuyan, siya rin ang concurrent Provincial Fire Marshall dito continue reading : Courtesy Call ng Bagong Hepe kay Mayor Jeri Mae Calderon