Ulat at mga litrato ni Elida Bianca Marcial
Sa pangunguna ni Konsehal Jeri Mae Calderon ay inilunsad ang Angono Youth Development Plan 2017-2020 sa ginanap na Angono Youth Congress for Student Leaders 2017 kaninang umaga ng Biyernes, December 1, 2017 sa SM Event Center.
Kasama ni Konsehal Jeri Mae sina BJ “Tolits” Forbes, Chairperson ng Angono Youth Commission at Eugene Bautista, Secretariat for Local Youth Development Office.
Tampok sa youth development plan ang buwan-buwan na mga programa sa mga eskwelahan na pangungunahan ng tanggapan ni Konsehal Jeri Mae at Komisyong Kabataan ng Angono sa pakikiisa ng mga youth leaders ng bawat paaralan sa Angono.
Kabilang dito ang paglilinis sa mga eskwelahan at paglulunsad ng Higantes Women’s Basketball League na hindi lang mga eskwelahan mula Angono ang makakasama kundi pati angmga eskwelahan din mula sa ibang bayan ng Rizal.
Ayon kay Coach Ojie Ylagan, Sports Coordinator ng Angono Sports Commission, “Naniniwala kami ang basketball ay hindi lang pang lalake. Kung ano ginagawa ng lalake ay kaya na rin ng mga babae, ito ay magsisilbing women empowerment,” wika niya.
Sa nasabing event ay binigyang diin din ni Marlo Camantigue, Deputy Chief Police ng Angono Municipal Police Station, na nagsilbi rin speaker, ang kampanya nila kontra droga sapagkat ang madalas na biktima nito ay ang mga kabataan.
Ipinaliwanag din ni Camantigue ang mga dahilan kung bakit nasasangkot ang mga kabataan sa droga.
“The youth gets addicted to these harmful effects due to curiosity, desire for pleasure, lack of self-confidence, peer pressure and most importantly lack of parental guidance sa child activities,” wika niya.
Kabilang din sa mga nagsalita sina John Aristeo Maniaol, Local Creative Economy Officer ng Municipality of Angono na nagbahagi tungkol sa Advocacy Driven Leadership at si Kimberly Villanueva ng Philippine Youth Leader na nagbahagi ng kaalaman niya sa Duties and Responsibilities of Supreme Student Government/Student Council.
Ibinigay naman ni BJ “Tolits” Forbes ang credit ng nasabing event sa mga youth leaders ng paaralan sa naging matagumpay na youth congress ngayong araw at patuloy na hinikayat na makiisa sila sa mga activities ng komisyon.
“Being a leader ay ikaw ‘yun nauuna sa gagawin, you are not a boss, you are leader, being a leader is being one of them. Good example ay si Mayor Gerry Calderon. You have to set your goals, you have to create your plan, you have to act” wika ni Forbes.
Nagtapos ang event sa pagbahagi ng best practices, innovations ng bawat Supreme Student Government Presidents sa mga paaralan sa Angono.