Pinangunahan nina Ate Carol Baluyut dela Cruz, isa sa mga midwife sa Angono Municipal Health Center, at Ruby Villar na isa sa mga nurse sa munisipyo ang pagbabakuna sa 405 estudyante ng Angono Elementary School Central kaninang umaga, Martes, October 10, 2017.
May 235 na Grade 1 students ang binakunahan pangkontra sa measles samantalang 170 na Grade 4 students ang ininjectionan pangkontra sa Hpv Human papilloma virus.
Ang pagbabakuna ay isa sa mga consistent na proyekto ni Mayor Gerry Calderon — sa tulong ng national Department of Health — upang palakasin ang immune system at pangangatawan ng mga kabataan.
Nakatuwang ni Ate Carol sa gawaing ito ang ilang health volunteers ng Health Office.
(Carol Baluyot dela Cruz/Municipal Health Office)