90 bata, benepisyaryo sa feeding program ng munisipyo

Ni Elida Bianca Marcial 
Correspondent

Sa suporta na rin ni Mayor Gerry Calderon, isang Supplemental Feeding Program ang pinasinayaan ng Municipal Health Office nitong Lunes ng umaga, September 18, 2017 sa Covered Court, Brgy. Poblacion Ibaba para sa 90 bata na below weight.

Ang mga bata ay nakapaloob sa 90 days feeding program mula Lunes hanggang Sabado ay mga nasa edad 2 taong gulang hanggang 6 na taong gulang at mula sa Brgy. San Vicente at Brgy. Poblacion Ibaba.

Ito ay pinondohan ng lokal na pamahalaan ng Angono katulong ang 4Ps Municipal Link Ms. Jessibee Tampes at sa koordinasyon nina Angono Municipal Health officer Dr. Jose Lozo at mga Barangay Nutrition Scholars, Midwives at Barangay Health Workers.

Katulong din ang mga barangay sa pagbibigay ng cooking fuel, chairs at tables sa kabuuang programa.

Kasama sa programang ito ang pagpapakain ng masusustansyang pagkain at bitamina para sa mga bata.

Patunay ang programa na ang pamahalaang bayan ng Angono ay malingap sa pagtugon kalusugan ng mga bata.

“Ang Supplemental Feeding Program (SFP) sa loob ng 90 days Monday hanggang Saturday for 90 children identified with below normal weight, stunted and wasted ay isa sa 10 programs ni Mayor Gerry for nutrition program,” wika ni Maria Cristina Trinidad ng Municipal Health Office.

Posted in ANGONO NEWS.