Teksto ni Richard R. Gappi
Ang putol na imahen ay nakuha sa baklad sa Lawa ng Laguna ni Justino Villaluz, na nuno ni Vicente Reyes.
Ang putol na imahen at ulo ay ‘nagparamdam’ sa panaginip ni Justino na ito ang imahen ni San Clemente.
Ang impormasyong ito — basahin sa kalakip na mga larawan — ay isinulat at itinala ni Nemesio B. Miranda Sr., na naging bise alkalde ng bayan at pangulo ng Angono Parish Council ng Parokya ni San Clemente noong 1966.
Nailathala ito sa Pang-alaalang Magasin Para Sa Kapistahan Ni San Clemente I Papa at Martir noong Nobyembre 23, 1966.
Ang magasin ay inilathala ng Pambayang Lupon sa Pista ni San Clemente na ang pangulo ay si G Eusebio Picones.
Ang magasin ay nasa pag-iingat at pangangalaga ng Angono Municipal Committee on Cultural Heritage at Angono Municipal Library.
Ang pananakop ng mga British soldiers sa Maynila at karatig pook ay tumagal hanggang 1764.
Nais gamitin ng mga British ang Manila bilang tungtungan o entry point para sakupin o makipagkalakalan sa bansang China.
Pero hindi nakapagpalawak ang mga British soldiers ng kanilang nasasakupan. Na-limit lang sila sa Maynila o katabing lugar hanggang Cavite.
Ito ay dahil nakipagbunuan ang Spanish colonial government, sa pamumuno ni Lieutenant Governor Simón de Anda y Salazar.
Kung kaya hanggang Manila, Rizal province (ngayon) at Cavite ang impluwensiya at ginalawan ng mga sundalong British.
Pero nag-iwan ng marka ang mga British soldiers sa lalawigan ng Rizal. At ito ay makikita sa mga tiga-Cainta — ang mga dugong Sepoy.
Dahil nakapailalim at sakop ng British sa panahong ito ang bansang India, ang mga tiga-India ang naging sundalo ng British na ipinadala sa Maynila.
Maraming tiga-India na sundalo ng Britain ang nag-settle, nanirahan, o naanakan ang mga tiga-Cainta.
Pero natapos ang pananakop ng Britain dahil naitaboy sila, at bahagi ng ‘peace settlement ng Seven Years’ War.