Teksto ni Richard R. Gappi
Ang una ay ang Pista ng Tag-ulan tuwing November 23 at ang ikalawa ay ang Pista ng Tag-araw na ginaganap sa alin mang petsang mapagkakaisahan sa pulong pambayan sa buwan ng Pebrero.
Natigil ang Pista sa Tag-araw magmula nang ang Lawa ng Laguna ay maghirap at ang mga palakaya ay hindi na manghuli.
Nagsimulang humina ang palakaya at pukot noong 1948 at kumaunti ang mga kanduli. Maraming pukot ang tuluyang nabarada o natigil at maraming mga mamumukot ang nawalan ng hanap-buhay.
Hindi handa sa ganoong pangyayari ang mga taga-Angono. Nakadama sila ng paghihikahos. Noon naisipan ng mga mamamayan at kabataan na mamasukan sa mga pabrika.
Ang impormasyong ito — at ang mga larawan ng Simbahan, Pagoda, Parejadora at Lawa ng Laguna bandang 1966 — ay isinulat at itinala ni Nemesio B. Miranda Sr., na naging bise alkalde ng bayan at pangulo ng Angono Parish Council ng Parokya ni San Clemente noong 1966.
Nailathala ito sa Pang-alaalang Magasin Para Sa Kapistahan Ni San Clemente I Papa at Martir noong Nobyembre 23, 1966 na ang Lupong Patnugutan ay sina Atty. Paterno G. Tiamson, Mr. Nemesio Miranda, Mr. Nestor Vocalan, at Mr. Apolonia B. Miranda.
Inilathala ang magasin ng Pambayang Lupon sa Pista ni San Clemente na ang pangulo ay si G Eusebio Picones.
May dagdag na impormasyon mula sa ‘Malayang Pamahalaan ng Konseho Munisipal’ magasin na souvenir na inilathala noong November 12, 1968.
Ang kopya ng nasabing dalawang magasin ay nasa pag-iingat at pangangalaga ng Angono Municipal Committee on Cultural Heritage at Angono Municipal Library.