Teksto nina Richard R. Gappi at Toti Mujar/Vicente Reyes
Ang Krus sa Ibaba ay wala nang nakatatanda kung kailan ito itinayo.
Marami ang naniniwala na ito ay itinayo ng unang mga Kastilang nagsidaong dito bilang palatandaan ng kanilang pagdating.
Sa Krus na ito maaaring nagdaos sila ng unang Misa o panalangin tulad ng maraming ginawa nila sa maraming bayang kanilang dinaungan.
Noong bago dumating ang mga Kastila, may mga katibayang nagpapatunay na ang kinalalagyan ng Krus ay isang dalampasigan.
Ang impormasyong ito ay mula sa Pahina 22 ng aklat-magasin na ‘Malayang Pamahalaan ng Konseho Munisipal (1939-1969)’ na inilathala ng Lupon sa Sining, Agham at Kultura ng Pamahalaang Bayan ng Angono noong Nobyembre 12, 1968 bilang ulat sa kasaysayan at kaunlaran ng bayan para sa ika-30 taong pagiging malaya, Enero 1, 1969.
Si dating konsehal Atty. Paterno Tiamson ang tagapangasiwa ng nasabing lupon.
Ang nasabing aklat-magasin ay nasa pag-iingat ng Angono Municipal Committee on Cultural Heritage at Angono Municipal Library.
Ang litrato naman ng Krus sa Ibaba at higante ng Angono ay kuha noong 1950s.
Lahok ang litratong ito sa ‘Old Angono Photo Contest’ sa panahon ni Mayor Ms. Au Villamayor noong 2008 at inilahok ito ni Frank Hans ‘Toti’ Mujar, empleyado ng munisipyo, na aniya ay litrato mula sa pag-iingat ni dating Konsehal at pintor Vicente Reyes, tatay ni dating konsehal Snooky Reyes.
Ang ‘Old Angono Photo Contest’ ay pinamahalaan ng inyong lingkod.