logo-final

Alam nyo bang ang Angono ang huling bayan sa lalawigan ng Rizal na binigyan ng pagsasarili bilang pagiging bayan noong Panahon ng mga Amerikano?

Teksto ni Richard R. Gappi

Ang Angono ay binigyan ng kalayaan noong Enero 1, 1939 sa bisa ng Executive Order No. 158-Series of 1938 ni Pangulong Manuel L. Quezon.

Ang impormasyong ito ay mula sa ‘Malayang Pamahalaan ng Konseho Munisipal (1939-1969) magasin-souvenir.

Inilathala ng Lupon sa Sining, Agham at Kultura ng Pamahalaang Bayan ng Angono noong Nobyembre 12, 1968 bilang ulat sa kasaysayan at kaunlaran ng bayan para sa ika-30 taong pagiging malaya, Enero 1, 1969.

Ang nasabing magasin-souvenir ay nasa pag-iingat ng Angono Municipal Committee on Cultural Heritage at Angono Municipal Library.

Scroll to Top