Ni Richard R. Gappi
Tungkol sa kultura at sining ng bayan ang sculpture pero sa ngayon, ang nakalagay ay bahagi pa lamang ng kabuuang sculpture.
Ang inisyal na nakalagay ay kumakatawan sa Musika ng bayan, partikular ang kumukumpas na lalaki at mag-ina na ang anak ay nasa duyan, ang biswal na representasyon sa klasikong komposisyon na “Sa Ugoy ng Duyan” ni Angono National Artist Prof. Lucio D. San Pedro.
Bukod sa sculpture na ito, si Lito Balagtas din ang gumawa ng mga likhang sining na ‘Ang Nuno’ na nasa bukana ng triangle sa hi-way, ang ‘Inang Kalayaan’ sa tapat ng Angono Elementary School na nagsisilbi na ring muhong pang-alaala para sa mga beterano ng Angono noong World War II, ang bas relief na kasaysayan ng Barangay Kalayaan sa barangay hall, at ang bas relief din sa Gallery of Museum and Arts na pinag-oopisinahan ngayon ng Tourism Office sa ibaba ng Angono Municipal Trial Court.
Kagabi naman, Lunes, October 30, 2017, inilagay ang mga higanteng titik ng ANGONO: Art Capital of the Philippines upang makatawag-pansin at maging tampok na pagkakakilanlan ng bayan.