Angono souvenir items, pwede nang mabili sa barangay hall ng Brgy. Poblacion Itaas malapit sa simbahan

Ni Richard Gappi

Sa mga nais magkaroon ng Angono souvenir items, maaari na itong mabili sa nasabing barangay hall.

Ang Barangay Poblacion Itaas ang pinakamaliit na barangay sa Angono pero ito ang isa sa pinaka-makasaysayang lugar dahil sa lugar na ito nalikha ni Angono National Artist for Painting Carlos ‘Botong’ Francisco ang kanyang mga dakilang obra at mural.

Bukod sa studio ni Botong na nasa lugar na ito, tampok din na binibisita ng mga lokal at dayuhang turista ang street gallery na makikita ang bas relief replica ng mga trabaho ni Botong at ang liriks ng ‘Sa Ugoy ng Duyan’ na masterpiece ng isa pang National Artist ng Angono na si Prof. Lucio D. San Pedro.

Ang Poblacion Itaas ay pinamumunuan ngayon ni Kapitana Dinia Sanchez.

 

Posted in ANGONO NEWS.