Angono students, Division of Rizal champion sa disaster risk reduction management Olympics

Ni Elida Bianca Marcial
Correspondent
Angono Public Information Office
August 7, 2017; Lunes, 1:01PM

Personal na nagpasalamat kay Angono, Rizal Mayor Gerry Calderon ngayong Lunes ng umaga, August 7, ang nag-champion sa Division of Rizal disaster risk-reduction management Olympics na mga taga-Carlos Botong Francisco Memorial National High School.

Ang limang estudyante ng nasabing eskwelahan ang naging representative ng bayan sa paggawa ng floatation device sa Floatation Device Making (group category) na gumamit ng mga recyclable materials noong July 26, 2017 na ginanap sa Cainta, Rizal.

“Mula sa mga PET bottles, 1.5 liters coke bottles o five gallons Wilkins bottles, bamboos ang mga ginamit sa paggawa ng floatation device. Namumukod-tangi ang simpleng design ng grupo kung kaya’t nasungkit ng Carlos Botong Francisco Memorial National High School ang kampeonato,” wika ni G. Marcelino Vocalan na coach ng mga estudyante.

Dagdag pa ni Vocalan: “Iyong design, simple lamang po pero nag-outstand po siya doon sa contest kasi bukod sa hindi lumapat ‘yun aming floating doon sa tubig, naka-angat po siya ng 5 inches sa tubig.”

Ayon pa kay Vocalan, ito ang unang pagkakataong sumali ang eskwelahan sa nasabing contest na ang layunin ay iincorporate sa mga estudyante sa buong Pilipinas ang kahalagan ng kaalaman sa mga disaster risk reduction manangement.

“Iyon ang ipinapakita na kahit mga bata, kayang gumawa basta’t mapag-aralan, gawin nang maayos. Hindi po dahilan para tayo ay hindi magkaroon ng paraan,” wika naman ni Engr. Arnold Pinon, officer-in-charge ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office.

Posted in ANGONO NEWS.