Ni Elida Bianca Marcial
Correspondent

Hinirang na Top Performer ng YES to Green Program sa 1st District ng lalawigan ang bayan ng Angono ngayong Martes ng hapon, September 26, 2017 sa awarding na ginanap sa Ynares Center.

Ang parangal ay ginawa kasabay sa paggunita sa ika-4 na taon na pagpapatupad ng nasabing programa at sa pagdiriwang ng kaarawan ni Gov. Rebeca “Nini” Ynares.

Dahil sa parangal, nanalo at mag-uuwi ng isang YES garbage truck ang Angono bilang premyo.

Hinakot ng Angono ang award bilang Greenest Barangay na kinakatawan ng Barangay Mahabang Parang para sa 1st District ng lalawigan.

Naitala ng nasabing barangay ang may pinakamaraming bilang at nasurvived na mga puno. Nagwagi ang Mahabang Parang ng premyo na isang YES cargo trike.

Kinilala rin bilang Cleanest Municipal Waterways ang bayan at makakatanggap ng isa pang YES garbage truck.

Material Recovery Awardees naman ang limang barangay ng bayan kabilang na ang Mahabang Parang, San Pedro, Santo Nino, Kalayaan at San Vicente.

Makakatanggap ang nasabing mga barangay ng isang cargo tricycle, 20pcs., monobloc chairs, isang unit tent 20pcs. na brangay tanod uniforms, 20pcs long sleeves, 100 YES shirts, isang grasscutter, at isang public address system.

Naroon sina Mayor Gerry Calderon, Vice Mayor Sonny Rubin, Councilor Jeri Mae Calderon, Councilor Januver Tiamson at mga kapitan ng bawat barangay upang tanggapin ang nasabing pagkilala at mga premyo.

Matatandaan na ang YES to Green Program ay isa sa mga environmental programs ni Governor Ynares na naglalayong mapanatiling malinis ang kapaligiran.

‘Kabisadong-kabisado niyo na ang YES program at alam kong kaya kayo andito ngayong hapon ay excited kayong makuha ang lahat ng papremyo na nararapat sa bawat lugar.

Maraming papremyo ngayon dahil lahat ng barangay at mga bayan ay yes na yes na. Inaasahan ko na sa mga susunod na taon ay magbubunga na ang ating pagsisikap ay maisasapuso ng bawat Rizaleño ang YES program,” wika ni Governor Ynares.