Nina Elida Bianca Marcial at Richard R. Gappi

Nakapanayam muli ng Angono P.I.O. si G. Rosauro Bautista, OIC-MTFRO, ngayong Huwebes, October 5, 2017, upang itanong ang mga tanong ng mga tao kaugnay sa pamasahe at pagsakay sa tricycle. Narito ang transcript ng ginawang panayam:

P.I.O.: Paano po iyong iyong sasakay ka tapos itatanong kung magkano ibabayad kung may taripa naman sinusunod?

MTFRO: Parang hindi maganda pakinggan kasi siyempre alam naman ng driver kung magkano eh.

P: Bakit pa kaya kailangan tanungin kung may fare matrix pa?

M: Hindi nga maganda iyon. Alam naman nila may fare matrix eh, syempre alam nila iyon fare matrix nila, kung iba naman na pupuntahan kung hindi na sa Angono.

P: Pero paano nga kung sa Angono lang iyon lugar na pupuntahan?

M: Depende na sa fare matrix iyon kasi hindi na magtatanong iyon driver niyan. Mayroon kasi bago-bago pa lamang hindi pa kabisado lahat ng fare matrix.

May mga nagtatanong naman kasi may mga driver nadadala kasi pagdating doon mas mababa ang bayad doon sa inaasahan, minsan may mga ganoon pangyayari.

May mga hindi na tatanungin magkano ibabayad tapos pagdating doon ang ibabayad ay medyo agrabyado ka na kaya medyo may mga driver nakakapagtanong din kasi minsan nakakadala.

Halimbawa, balikan, alangan talaga sa ibabayad minsan may ganoon din. Pero mas mali iyong attitude ng driver na kaagad na itatanong kung magkano ibabayad.

P: Kung 8.50 ang minimum, may nagbayad ng 10 tapos hindi na nagsukli?

M: Overpricing.

P: So pwede talaga magbayad ng 8.50 kung ang distance ay pang minimum?

M: Oo pwede, basta kung ano iyong nasa fare matrix, basta ang pinaka mababang bayad ay 8.50.

P: Ano naman po ang inyong komento sa mga tricycle driver na nakasanayan na ang bayad ay 10pesos?

M: Kung kusang loob ng pasahero ang magbigay ng 10 peso kasi minsan umaalis na agad o hindi naman kaya pakiramdaman kung minsan ang pasahero ayaw bumaba suklian mo na.

Pero karamihan, susuklian mo, ang sasabihan “hindi ‘wag na”. Karamihan kasi ng pasahero panay 10 pesos na ang ibinabayad kasi pag nasusuklian mo bumababa na.

P: Ano ba ang karampatang parusa na binibigay sa mga tricycle drivers ba napaka-swapang kung maningil ng pamasahe? Tinitiketan lang ba tapos yun na? Marami kasing mga pasaway at swapang na tricycle drivers…

M: Tinitiketan talaga iyon, 2nd offense ticket uli iyon, 3rd offense ticket uli.

P: So ano yung pinakamataas na parusa?

M: Ticket lang talaga, hindi kagaya ng sa LTFRB na sa mga driver pasaway na ang peak ng parusa is cancellation ng kaniyang lisensya eh wala naman tayong ganoon dito.

P: Paano naman po iyong tricycle na namimili ng pasahero? Lalo na pag nalaman nila kung saan ang destinasyon?

M: Nasa pag-uusap na ng driver at mananakay iyon. Kasi minsan, mayroon hindi kaya na tricycle na pumunta doon dahil alangin kaya minsan tatanggihan, lalong lala na sa gabi kung alanganin iyong lugar na pupuntahan niyan.

Kasi kakabahan kapag ka hindi siya taga-roon dahil hindi kasi pare-parehas ng lugar iyan. Halimbawa lugar na magulo kaya minsan may kakabahan maghatid. Kung minsan may lugar na malubak ang daan kapag nabutasan ng gulong kawawa ang driver.

P: Paano naman iyong ayaw ng isakay matapos malaman malayo at 10 lang ibabayad pero estudiyante iyong sasakay?

M: May karampatang din violation iyon na papatitiketan talaga refused to convey passenger naman, may fine din iyon pag natiketan.

P: May nagsuggest kung pwede iindicate per kilometre iyong dagdag…

M: Masyado ng agrabyado na ang tricycle noon sa ganun kasi kung 1 kilometer yan mula rito hanggang boundary na ng Muzon iyon napakalayo na noon kapag binayaran ka na ng 8.50 wala ng kikitain doon.

P: Any further reason kung bakit ayaw ipapost sa social media ang mga lumalabag na tricycle driver?

M: Unang-una ay napapahiya kaagad iyong mga magtatricycle at saka “BAKA” hindi totoo pag sa Facebook, kayang kaya kasi sumira ng Facebook ng tao eh.

P: Mayroon daw po ditong nagreklamo na until now ay hindi pa naaksyunan…

M: Natatagalan lang makontak ang tricycle driver hindi pa kaagad nakikita. Minsan, may nangyayaring ganon na hindi kaagad nakikita pero hinahanap at naroon pa rin iyong reklamo. Hindi naman kasi nakukuha iyon agad ng pag nireklamo mo.

Kagaya ngayon minsan iyong iba lagare kung hindi agad makita o kaya tumigil sa pagpasada o di kaya lumilipat ng ibang tricycle. Kahit magtagal ng ilang araw hindi namin titigilan sa paghahanap iyon at hanggang hindi naki-clear sa logbook.

P: Paano naman po ang solusyon niyo kapag ganoon?

M: Hinahanap namin iyon at kapag nakita at na-identify kahit lumipat pa ng ibang TODA iyan, kukunin pa rin iyon tapos tatawagin iyong nagrereklamo paghaharapin sila dito.

P: Kung lahat ng reklamo sa opisina ay panay verbal lang ang proof, paano ito masosolusyunan lalo na kung tumanggi ang driver sa nangyare?

M: Ang ibang nagrereklamo pagdating dito galit sila, pero pag dumating na dito at nagkaharap na sila, nagkausap at nagkapaliwangan sila, nagpapatwaran pero kami.

Minsan pag ang nagrereklamo ay nagpunta at tinanong kung ano gusto gawin sa inirereklamo, pagdating ng paghaharap nila nagkakapatawaran. Minsan pa ang recommendation namin ay tiketan, minsan yun nagreklamo na ang hindi nagtutuloy.