ANGONO VIP (Versatile and Ideal Policewomen) nag-ikot sa sulok-sulok ng Angono

Ni Richard Gappi

Pinangunahan ni Angono police chief Col. Veronica Agusin ang pagbaba at pag-ikot sa iba’t ibang lugar sa Barangay San Isidro kahapon, Biyernes, September 29, 2017.

Kasama ni Colonel Agusin ang mga kapwa babaeng pulis sa pag-iikot at kamustahan upang alamin ang sentimyento at mga mungkahi ng mga tao.

Layunin din ng police presence at pag-iikot ang masugpo ang kriminalidad.

Kamakailan ay inilunsad ng Angono police ang anti-crime project na Community Mobilization Program.

Ang CMP ay aksyon ng kapulisan tungo sa kaayusan ng lugar na naglalayong maturuan at maging vigilant ang mamamayan.

“Binibigyang diin natin dito na mahalagang sugpuin ang droga at krimen sa bawat komunidad. Pinapasalamatan ko ang lahat ng sumuporta sa programa, laluna si Mayor Gerry Calderon. Ang programang ito ay para mapanatili ang kaayusan at ang peace and order sa ating lugar,” wika ni Agusin tungkol sa CMP.

Posted in ANGONO NEWS.