Aurora Subdivision senior citizens officers, nanumpa kay Mayor Gerry

Ni Elida Bianca Marcial
Correspondent

Pinangunahan ni Mayor Gerry Calderon kaninang Lunes ng umaga, October 9, ang pagpapanumpa sa bagong halal na mga opisyal ng senior citizens ng Aurora Subdivision, Barangay San Isidro, Angono, Rizal.

Ayon kay Susan Perez, presidente ng nasabing grupo, may mga nasimulan na silang proyekto kagaya ng pagtatanim ng mga gulay katuwang ang grupo ng SARANAY at BUSILAK upang magkaroon na sila ng pagkukuhanan ng gulay.

Ang BUSILAK ay tumutukoy sa BUhayin Sapa, Ilog, LAwa, at Karagatan na environment at Clean and Green program ni Governor Nini Ynares.

Dagdag pa ni Perez, ang pagsasaayos ng playground upang may lugar na mapaglalaruan ang mga bata at ang paglilinis sa mga baradong kanal sa kanilang lugar ang kanila ding ginagawa ngayon.

“Kung ano pa man ang aming maaaring maiambag ay handa kami makipagkaisa para sa ikakaganda ng aming subdivision, iyon ang aming uunahin,” wika ni Perez.

Posted in ANGONO NEWS.