Tuwing ikatlong Biyernes bawat buwan, nagsasagawa ng Misa ang lokal na pamahalaan ng Angono para sa mga empleyado nito.
Bahagi ito sa programang espiritwal at pagpapanibagong-hubog pangmoral at emosyonal upang mapabuti ang serbisyo publiko.
Pagkatapos din ng Misa ay binibendisyunan at inaalayan ng panalangin ang may mga kaarawan o anniversary.
Dati, sa maliit na lobby ginagawa ang Misa.
Pero ngayong maganda at malaki na ang bagong munisipyo, nagiging maaliwalas na ang malawak na bulwagan sa likod ng munisipyo upang pagdausan ng Misa, o anumang pampublikong pulong o aktibidad. (Teksto ni Richard R. Gappi)