02/11/2023- Ngayong araw ay ginugunita ang ika-110 taong anibersaryo ng kapanganakan ng isa sa ating kababayang Pambansang Alagad ng Sining na si Maestro Lucio D. San Pedro.
Si Prof. Lucio D. San Pedro na isinilang sa Bayan ng Angono nuong ika-11 ng Pebrero 1913 Angono ay kilala sa kaniyang husay sa musika. Siya ang kompositor ng ilan sa mga tanyag na “Sa Ugoy ng Duyan” at “Lahing Kayumanggi”.
Dumalo sa ginanap na paggunita ngayong umaga sa puntod ni Maestro Lucio si SK Fed President Bernard Joecel Forbes na siyang tagapangulo ng Lupon ng Turismo sa Sangguniang Bayan at kumatawan kay Mayor Jeri Mae Calderon. Naruon din si Ms.
Grace Soleil San Pedro, apo ng Maestro at kumakatawan sa pamilya San Pedro, gayundin ang ilang mga kawani ng lokal na pamahalaan.
📷 Bernard Laca Jr.
PIO | Angono News
[foogallery id=”4993″]