Ulat ni Elida Bianca Marcial 
Correspondent
Angono Public Information Office
September 15, 2017; Biyernes, 1:38PM

Dumalo sa orientation ang 123 beneficiaries ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) na ginanap kahapon, Huwebes, September 14, 2017 sa Angono Municipal Hall.

Ang proyekto ay bilang tulong ni Mayor Gerry Calderon sa mga BUSILAK volunteers na hindi sapat ang kinikita kung kaya’t sila ang napili para sa nasabing programang ito.

Ang BUSILAK ay tumutukoy sa BUhayin Sapa, Ilog, LAwa at Karagatan na pangunahing proyekto ni Rizal Governor Rebecca ‘Nini’ Ynares.

Pinangangasiwaan ang TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng DOLE Intergrated Livelihood and Emergency Employment Program at ng Angono Public Employment Service Office.

Layunin ng TUPAD na tulungan ang mahihirap na mabigyan ng kabuhayan o emergency employment upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

Ang orientation ay pinasiyaan ni Ms. Vicky Natanawuan ng DOLE Provincial Office ng Rizal.

Ipinaliwanag ni Ms. Vicky sa mga benepisyaryo na sa TUPAD, ang mga nasabing benepisyaryo ay may 28 na araw na magtatrabaho na may minimum wage na sweldo (P342.50) bawat araw.

Ang pondo ng program ay nagmula kay Cong. Jack Duavit at iniimplement ang programa bilang assistance sa BUSILAK volunteers.

Ang bawat DOLE Regional Offices ang responsable upang maibaba ito sa bawat local government units.

Ang mga benepisyaryo nito ay nagmula sa Brgy. Poblacion Ibaba, San Vicente at Kalayaan.

Maaalala na ang BUSILAK volunteers ay ang nagsisilbing Eco-Warriors ng pamahalaang bayan.