Dating Brgy. Mahabang Parang Captain Germie Zamora, most outstanding senior citizen ng Angono; artist Lito Balagtas, Ma’am Cynthia Cruz at iba, pinarangalan din

Ni Elida Bianca Marcial
Correspondent

Pinarangalan noong Lunes, September 25, 2017 si dating Brgy. Mahabang Parang Captain Germie Zamora bilang most outstanding senior sa bayan ng Angono.

Ang parangal ay iginawad mismo nina Mayor Gerry Calderon, mga konsehal na sina Patnubay Tiamson at Arling Villamayor, at mga kapitan ng barangay.

Ginanap ito sa municipal park.

Si Zamora ay napili mula sa sampung outstanding senior citizens kada barangay ng mga hurado at screening committee.

Bukod kay Zamora, ang iba pang pinarangalan ay sina Margarita Ibanez ng Brgy. Bagumbayan, Divina Mag-atas Reyes ng San Pedro, Hosperino Pascua ng San Vicente, Leonardo Lucas ng San Isidro, Angelito Balagtas ng Kalayaan, Alfredo Suela ng Sto. Nino, Eva de Leon ng Poblacion Ibaba, Cynthia Miranda Cruz ng Poblacion Itaas at Hermie Zamora ng Mahabang Parang.

Ang award ay pagkilala sa kanilang walang humpay na kasipagan at kontribusyon para sa ikakaunlad ng samahan ng senior citizen sa bayan.

“For their active participation in senior citizen affairs and as a member of office of the senior citizen association of barangay, this is a recognition of their tireless efforts and unselfish services which contributed to the development of successful accomplishments of the senior citizens organization in Angono,” wika ni Gng. Lita Bartolome, head ng Office of Senior Citizens Affairs Office.

Ang mga inawardan ay tumanggap ng certificate at token.

Posted in ANGONO NEWS.