DOJ Sec. Aguirre at Konsehal Jeri Mae, panauhin sa Angono art exhibit opening

Ni Elida Bianca Marcial 
Correspondent

Nagsilbing panauhin si Konsehal Jeri Mae Calderon sa pagbubukas ng exhibit ng mga artist ng Angono na ginanap sa pasilyo ng Department of Justice noong Lunes, September 25, 2017.

Ang exhibit ay bahagi ng ika-120 anibersaryo ng Department of Justice o DOJ.

Naimbitahan ang mga artists na magtanghal dahil na rin kay DOJ Undersecretary Reynante Orceo.

Si Atty. Orceo ay taga-Angono at pinarangalan ngayong taon ng Pamahalaang Bayan ng Dangal ng Bayan award sa larangan ng serbisyo publiko.

Dumalo rin sa nasabing exhibit si DOJ Sec. Vitaliano Aguire II na pinangunahan ang ribbon cutting kasama si Atty. Orceo at mga exhibiting artists.

Kabilang sa mga nagtanghal sina Michael Blanco, Jovito Andres, Dino Blanco, Nogie Blanco, Nani Reyes, Erik Sausa, Glenn Blanco at Jao Mapa.

Posted in ANGONO NEWS.