Ulat at mga litrato ni Elida Bianca Marcial
Correspondent, Angono P.I.O.
Nagwagi bilang champion ang Dona Justa Guido Memorial Elementary School sa District Drum and Lyre Competition na ginanap kahapon ng Huwebes, December 7, 2017 sa Angono Gymnasium.
Dahil sa pagkapanalo, ang Dona Justa ang magiging representative ng bayan sa division level ng Drum and Lyre Competition.
Ayon kay Sarah San Jose, District MAPEH Coordinator, ang kumpetisyon ay taunang idinadaos bilang pagtugon na rin sa DepEd Division Memorandum No. 17-367.
Ang kumpetisyon ay naglalayon mapahusay ang kaalaman at artistic na talento ng mga lumalahok na mag-aaral at maipakita ang kanilang iba’t ibang drills at choreography gamit ang flags, baton at rhythmic apparatus habang tumutugtog.
Ang nagsilbing hurado ay sina Dr. Evangeline Dizon, School Administrator ng Lord’s Jewel Christian School; Von Ryan Gil, Member of Rizal Provincial Band at Assistant Conductor ng Banda Dos Kabataan; at Raymond Cardano, Majorette Instructor.
Nag-1st runner-up ang Angono Elementary School, 2nd runner-up ang Joaquin Guido Elementary School, 3rd runner-up ang Dona Nieves Songco Memorial Elementary School at 4th runner-up naman ang San Vicente Elementary School.