Ulat ni Richard R. Gappi
Tatlong tiga-Angono ang gagawaran ng Pamahalaang Bayan ng Dangal ng Bayan Award bilang natatanging mamamayan.
Kinumpirma ito ni G. Juancho Lalic, acting secretary ng Sangguniang Bayan nang kapanayamin ng Angono Rizal News Online ngayong tanghali, Linggo, August 6.
Si Fr. Regie ay gagawaran para sa academic excellence. Nagtapos si Fr. Regie nang summa cum laude sa kanyang kursong Doctor of Sacred Liturgy sa San Beda College at kasalukuyang rector ng Manila Cathedral.
Si Michael naman ay kabilang sa tanyag na Blanco family of painters, curator ng Blanco Family Museum, at nakapag-exhibit na sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at ibang bansa.
Si Atty. Orceo naman ay kasalukuyang undersecretary ng Department of Justice.
Ang awarding ay gaganapin sa August 19, 2017 sa Angono Gymnasium bilang tampok na palatuntunan sa pagdiriwang ng ika-79 na Taon ng Paglagda sa Pagsasarili ng Angono mula sa bayan ng Binangonan.
Ang mga awardees ay ini-nominate ng iba’t ibang indibidwal at grupo na sinuri ng Sangguniang Bayan Committee on Arts, Culture and Tourism sa pangunguna ni Konsehal Jeri Mae Calderon, na pinagtibay naman ng buong kasapian ng Sangguniang Bayan.
Ang pagsasarili ng Angono bilang bayan — na dating barangay ng Binangonan — ay base sa executive order ni dating Pangulong Manuel L. Quezon noong August 19, 1938. Nagkabisa naman ito noong January 1, 1939.
Kabilang din sa mga programa at gawain kaugnay sa pagdiriwang ang blood donation at medical mission, paglilinis ng kapaligiran, art exhibit, workshop sa percussion at pagsulat ng tula, tagisan sa sabayang pagbigkas, Misa-pasasalamat, parada, at pag-aalay ng bulaklak sa rebulto ni Quezon.