Sa mga litratong ito ni Angono Tourism Officer Bernard Laca Jr. na kuha kahapon, Sabado, October 14, 2017, tampok ang mga higante ng Angono sa pasinaya sa kampanyang “Bring Home A Friend To The Philippines” ng Department of Tourism.
Ang higante ay cultural icon ng Angono na kilala bilang ‘Art Capital of the Philippines’ at ‘Home of the Higantes Festival’.
Ang turismo ang isang aspeto sa lokal na pamamahala na pinalalakas at pinagbubuti ni Mayor Gerry Calderon.
Noong 2003, nagwagi ang Angono ng Galing Pook Award base sa programang “Sa Turismo, Aangat ang Angono” na isang komprehensibong programa sa physical infrastructure ng bayan, peace and order, waste management, traffic scheme at art and culture development.
Ito ay upang hikayatin ang mga local and international tourists na bumisita sa bayan, bumalik dito, at kalauna’y mag-invest.
Sa kasalukuyan, ang tourism development plan ng bayan ay nakaangkla pa rin sa winning Galing Pook template. (Richard R. Gappi)