Ni Elida Bianca Marcial
Correspondent
Angono Public Information Office
Nagwagi ng 1st prize ang Barangay Bagumbayan sa naganap na Higanteng Fashionista Contest kahapon, November 19, 2017.
Tumanggap ang nasabing barangay ng cash prize na nagkakahalagang P10,000.
Second (2nd) prize naman ang pinanalunan ng Barangay Mahabang Parang at tatanggap ng cash prize na P8,000
Third (3rd) prize ang Bagong Sibol na isang non-government organization at tatanggap ng P5,000.
Ang patimpalak ay bahagi ng selebrasyon ng Higantes Festival 2017
Ipinarada kahapon ang iba’t ibang disensyo ng mga higantes sa grand parade.
Ang higante ay cultural icon ng bayan ng Angono na tinaguriang Art Capital of the Philippines.
Ang Higantes Festival ay bahagi ng pasasalamat ng Municipality of Angono kay San Clemente.
Ang Higanteng Fashionista ng Barangay Bagumbayan ay sosyal ang dating pero ang mga damit nito, disenyo at belt at earrings ay gawa sa recycled plastic bottle at sako.
Gawa ito nina Roland Vitor at Imuzen Herrera.
Si Jonathan Tolentino ang kapitan ng Barangay Bagumbayan.