Ni Elida Bianca Marcial 
Correspondent
Angono Public Information Office
September 15, 2017; Biyernes, 2:15PM

Ang Hukay Ilog na programa ng pamahalaang bayan ng Angono ay ang naisip na solusyon ni Mayor Gerry Calderon upang ang pagbaha sa Angono ay maiwasan.

“Itong hukay ilog ay ginagawa po natin at nag-iinvest po talaga tayo diyan mula upland hanggang low land para po sa ganun ay ma-contain o yung carrying capacity ng volume ng tubig na manggaling sa upland, umuulan man o hindi,” paliwanag ni Mayor Calderon sa kaniyang live video noong Martes, September 12, 2017.

Ayon pa kay Mayor Gerry, ang pagbaha sa kasagsagan ng bagyong #MaringPh ay dahil lamang sa daming ng ibinagsak na ulan sa bayan.

“Sa masigasig at masikap na mapahukay ang mga ilog ng Angono, hindi naging agaran ang pag-apaw nito at sa maulang panahon o bagyo,” wika ng punongbayan.

Kaugnay ng Hukay Ilog, ayon pa kay Mayor Gerry, ang Zero Basura Program ay isa sa naging susi para maiwasan ang mga baradong kanal na maaari ring maging sanhi ng pagbaha sa bayan.

Sa naging pahayag ni Mayor Calderon, inulan ito ng papuri sa naging aksyon ng pamahalaan lalo na sa paghuhukay ng ilog.

“Bagamat nkaka bahala po kanina ang pagtaas ng tubig sa ilog…ako po’y medyo natutuwa rin sa aking nkita dahil wala ako nakitang mga basura at kuyagot n naanod..kitang kita ang malaking improvement sa ating bayan…epektibo po ang zero basura mo mayor…” comment ng isang netizen sa live video ni Mayor Gerry.

Dagdag naman ni Sir Albert delos Santos: “Congrats mayor gerry.nagikot ako at nakita ko si Kap bobet at konsehal Jeri mae.bryan at Bernie balagtas na tumutulong saneeds ngkanilang barangay nanasasakupsan.keep moving.”

“Ipagpatuloy ang kaunlaran ng ating bayan dahil sau walang bha sa sa Angono..salamat po mayor..” wika ni Peter Diaz.

“Keep safe everyone !! salamat po mayor at nakikita po nmin na tlagang d nyo po kmi pnapabayaan tnx god for having a mayor like u !! godspeed,” wika ni Christina Teta Terce sa kanyang comment.

May mga kababayan din sa abroad ang bumati sa alkade para sa mga programa nito na epektibo sa panahon ng sakuna.

May mangilan-ngilan din ang nagsuhestiyon o nagparating ng kanilang mga concern kagaya na lamang ng ang paligian pagbaha sa Dona Nieves sa Brgy, San Vicente na kaagaran hiningan ng aksyon ayon sa isang netizen.

Labis-labis ang pagpapasalamat ng mga tao sa agarang aksyon ni Mayor Calderon at ang pagpatuloy na pag-aksyon sa pangangailangan nito.

Agad umikot sa evacuation centers sina Konsehal Jeri Mae Calderon kasama sila Kapitan Bernie Balagtas at Kapitan Bobet Sison sa Brgy. Kalayaan at Brgy. San Roque. Ganundin ang mga taga-Angono DSWD na sina Ma’am Luisita Vestra at G. Felino ‘Boy’ Perez.

Nasa 55 na pamilya o 231 na indibidwal ang nag-evacuate sa limang evacuation centers noong kasagsagan ni Maring.

Naianunsyo rin kaagad ni Mayor Calderon ang suspension ng klase noong Miyerkules.