PANOORIN | Ngayong buwan ng Mayo taong 2023, pormal na iginawad ni Mayor Jeri Mae Calderon ang mga titulo ng lupa sa mga miyembro ng Samahang Sunriseville Angono Dream Homeowner’s Association o SUNVADHA na bahagi ng programang Zero Squatter ng pamahalaan.

Para matugunan ang pagdami ng mga informal settlers sa bayan, ipinakilala ang Zero Squatter program ni Mayor Vice Gerry Calderon na tumulong sa libo-libong informal settler families.

Sa pangunguna ng kanilang presidente na si Mary dela Cruz, pinasalamatan ni Dela Cruz ang lahat ng tumulong sa kanilang samahan upang sila ay makapagpundar ng sariling lupa na kinatatayuan ng kanilang mga bahay.