Illegal drugs suspect sa Asencion Hills, tiklo ng Angono police

Ni Elida Bianca Marcial 
Correspondent

Noong Sityembre 12, 2017, nahuli si Joseph Benedict Bilboa alyas “Benjie” ng Angono police force na sina SPO3 Percival Pineda, PO1 Jezrell Cerda, PO2 Daril Piamonte, PO2 Ronnie Taguibao, PO2 Jerove Tarrayo at PO1 Rommel Bilog bilang arresting officers.

Si Benjie ay nahaharap sa kasong possession and selling of illegal drugs o violation sa RA 9165 Sections 5 at 11.

Nangyari ang paghuli kay Benjie sa Asencion Hills Brgy. San Isidro kung saan nakuha sa kanya ang sampung sachet ng shabu at isang P500-bill bilang marked money sa nasabing operasyon.

Ayon sa private informant na sumangguni sa kapulisan, si Benjie ay nagbebenta at gumagamit ng illegal na droga sa kanilang lugar.

Si Benjie ay kasalukuyang nakapiit sa kulungan.

Posted in ANGONO NEWS.