Ulat nina Elida Bianca Marcial, Reylin Fernandez at Edilberto Collier
(Updated, 9:07PM, Biyernes, August 11, 2017) News: Isa ang hinimatay at walang nasaktan sa sunog sa E. Rodriguez/Dona Nieves Street (SVAC-Gitna) sa Angono, Rizal, kaninang tanghali, Huwebes, August 10, 2017
Ulat nina Elida Bianca Marcial, Reylin Fernandez at Edilberto Collier
Isa ang hinimatay dahil sa grabeng usok at nerbyos ngunit wala namang nasaktan o nasawi sa sunog na naganap kaninang 12:05 ng tanghali, Huwebes, August 10, 2017, sa No. 287 Dona Nieves Street, Barangay San Vicente, Angono, Rizal.
Bandang 12:57PM naman nang ideklara ng Angono Bureau of Fire na fire out o napatay na ang sunog na naitala sa 1st alarm.
Ang hinimatay ngunit kalaunan ay naging conscious naman ay si Menerisa R. Tolentino, ang may-ari ng nasunog na tatlong bahay/pinto na hanay ng apartment sa nasabing lugar.
Bukod sa pinto/tinutuluyan ni Tolentino, totally damaged din ang pinto/apartment na tinutuluyan nina Nelia Villegas, Lanie Duro at Janet Heraldo.
Kina Heraldo nagsimula ang sunog, ayon kay SFO2 Conrado Napoles.
As of 4:40 ng hapon, patuloy pa ring iniimbistigahan ng Angono Bureau of Fire ang dahilan ng sunog at kung magkano ang mga ari-ariang natupok.
Pitong bumbero mula sa Angono, Taytay, at Binangonan ang mabilis na nagresponde sa nasabing insidente.
Si SFO4 Pablo Vite ang naging ground commander sa pagpatay ng apoy.
Nagresponde din ang mga kawani ng Angono MDRRMO, Public Safety and Order, Angono DSWD at ambulansiya ng Barangay San Vicente.
Papunta naman ngayong oras ang mga staff ng Angono DSWD upang magbigay ng tulong sa mga nasunugan.
Matatandaan na halos isa’t kalahating buwan lang ang nakalipas, nagkasunog din malapit sa nasabing lugar.
Nangyari ito sa gitna ng Ibañez Street at Doña Nieves Street kung saan dalawang apartment ang natupok at mabilis ding nagresponde ang mga bumbero.
(Kasama ang ulat ni Richard Gappi/Mga litrato ni Roland Vitor ng Angono Tourism Office)