Ni Elida Bianca Marcial
Correspondent
Angono Public Information Office
Paborito mo ba ang itik bilang ulam at pulutan? Runner ka ba?
Sali na sa Itik-Eating Contest at Karera ng Higante bukas, 11:00AM, Nov. 22 sa tapat ng munisipyo. Pumunta sa booth ng Angono Tourism Office para magparegister.
Ang itik ang isa sa mga kilalang pagkain ng bayan at naging tatak na ng Angono na kilala bilang ‘Art Capital ng Pilipinas.’
Ang mga patimpalak ay bahagi ng selebrasyon ng Higantes Festival 2017.
Noong Linggo, Ipinarada ang mahigit 100 higante na may iba’t ibang disensyo para sa Higantes Grand Parade.
Ang higante ay cultural icon ng bayan ng Angono na mula sa pagiging simbolo ng protesta ay kinakatawan na nito ang kasiyahan at ‘higanteng’ aspirasyon ng mga taga-Angono upang mag-ambag nang maliit man o malaki para sa kadakilaan ng bayan.